Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 26, 2024 People's Tonight 67 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3TRAVEL is life ang TikTok star na si Jennifer Cabula.

Sa kanyang account na @_jencabula sa nasabing video-sharing app, kilala rin ang social media star bilang Ms. Jen. Ibinabahagi niya sa kanyang higit 360 thousand followers ang mga contents kabilang na ang pagsayaw sa mga viral dance challenges, at iba’t ibang point of view (POV) videos kung saan bida ang kanyang ganda at pasabog na mga larawan.

Mapapa-wow nga ang kahit na sino sa ganda ng kanyang pinupuntahang mga lugar. Ibang level kung ipakita ni Jen ang kanyang lifestyle videos.

Hindi rin pahuhuli ang Instagram account ng digital creator na @_jcguibijar na may higit 160 thousand na ring followers. Matutunghayan din dito ang mga pasabog niyang bikini photos. Talagang makararamdam ng init ang sino mang kelot na magtatangkang bumisita sa kanyang page, dahil petmalu ang pagbabandera ni Jen ng hotness overload niyang kaseksihan.

Magaling din siya sa fashion at makikita iyon sa kanyang mga outfits.

Nakatatak na sa pagkatao ni Jen ang pagmamahal sa pagta-travel dahil nakapagtapos din ang dalaga ng BS Tourism Management sa kolehiyo.

AUTHOR PROFILE