Shabu YARI–Natimbog ng mga operatiba ng MPD Binondo Police Station 11 ang isang tulak ng ilegal na droga sa Binondo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot tiklo sa shabu

April 26, 2024 Jonjon Reyes 60 views

LAGLAG ang pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11 sa Lara St., Binondo, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Godofredo Tampos Jr., alyas Greg, ng Building G, Sambahayan Rawis St., Tondo, Manila

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:41 ng madaling araw nahuli ang suspek.

Nakuhanan ng 26 na gramo ng shabu na katumbas ng P176,800 ang suspek.

AUTHOR PROFILE