Default Thumbnail

Lolo natagpuang patay

April 26, 2024 Jonjon Reyes 53 views

NATAGPUANG patay ang isang 65-anyos na lolo sa Cristobal St. malapit sa panulukan ng Fajardo St. sa Sampaloc, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang biktima ns si Elmer Beriña ng Cristobal St., Brgy. 450, Zone 45, Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:30 ng umaga ng madiskubreng patay na ang biktima.

Agad namang ipinarating ang nangyaring krimen sa Barangay official sa nasabing luga bago itinawag sa mga pulis.

Napag alaman na nakakaranas ng pananakip ng dibdib habang nakaratay sa ikatlong palapag ng bahay ang biktima, ayon sa kapatid nito.

AUTHOR PROFILE