Palakol Ang palakol na ginamit umano ng suspek.Makikita ring nagbibigay ng pahayag si Police Capt.Fredwin Sernio, hepe ng Palanca PCP-MPD PS14 kaugnay sa nangyaring insidente. Kuha ni JONJON C. REYES at courtesy ng MPD.

LOLA PINALAKOL SA ULO!

February 29, 2024 Jonjon Reyes 117 views

SernioKASALUKUYANG inoobserbahan sa pagamutan ang isang lola matapos na palakulin sa ulo ng isang 29-anyos na binata Martes ng umaga sa kahabaan ng Pimbago St., Brgy. 648, Carlos Palanca, San Miguel, Maynila.

Ang biktima na si Gloria Carbonel Mahilac, 65, ng Brgy. 648, San Miguel, Manila, ay inoobserbahan sa Jose Reyes Medical Center.

Natimbog naman ang suspek na si alyas Jabbar, binata, tricycle driver at naninirahan sa Pimbago St., Brgy. 648, San Miguel.

Ayon sa report ni Police Capt.Fredwin Sernio. hepe ng Palanca PCP-MPD PS 14, bandang 5:45 p.m. nang respondehan ang nangyaring insidente nina PCpl. George Sotero at Pat Luigi Miguel Gita.

Base sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang anak bandang 8:10 a.m.

Napansin ng anak na may dugong umaagos mula sa ulo ng kanyang ina.

Sinabi ng biktima sa kanyang anak na may tumama lamang na matigas na bagay sa aknyang ulo. Agad itong isinugod sa Jose Reyes Hospital para sa agarang medikal atensyon at nagtungo ang anak niyang babae sa Brgy 648 upang humingi ito ng tulong.

Nang i-review ang mga kuha sa CCTV ng Brgy 648 ay nakita ang biktima na naglalakad sa kahabaan ng Pimbago Street at sinusundan ito ng suspek na nakasuot ng black bull cap, black sando shirt, at itim na pantalon habang may hawak na printed blanket.

Ilang sandali pa ay bumalik ang suspek at may dalang palakol.

Nakita ring hinugasan at iniwan ng suspek ang palakol sa loob ng bahay nito na matatagpuan sa kahabaan ng Pimbago Street saka umalis sakay ng pulang tricycle.

Dahil dito agad na ipinagbigay alam ng kaanak ng biktima sa mga kapulisan ang insidente.

Mabilis naaresto ang suspek at narekober ang palakol na umano’y ginamit sa biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamalakol.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek.

AUTHOR PROFILE