Default Thumbnail

Expanded Centenarians Act aprub sa Maynila

February 29, 2024 Edd Reyes 177 views

NAGPASA ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Maynila na pinupuri ang pagpasa ng RA 1192 o ang Expanded Centenarians Act of 2024.

Sinangayunan ng halos lahat ng miyembro ng Konseho ang City Resolution No. 108, series of 2024 na inakda ni Konsehal Philip Lacuna na nagpapahayag ng papuri sa ipinasang batas.

Sa ilalim ng batas na ito, tatanggap ang lahat ng Pilipino saan man sa mundo ng P10,000 kung aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95.

“The expansion of the coverage of the Centenarians Act is a homage to the Filipino trait of compassion, and in our culture, none are showered with more kind and loving care than our elderly,” pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Konsehal Lacuna, pinahahalahagan ng mga matatandang Manilenyo ang naturang batas.

Simula noong 2023, umabot na sa 23 ang mga centenarians sa Maynila ang napagkalooban ng lokal na pamahalaan ng tig-P100,000.

AUTHOR PROFILE