Baril Isa ang namatay at isa ang sugatan sa pamamaril sa San Andres Bukid, Maynila noong Huwebes. Kuha ni JONJON REYES

Pamamaril sa Maynila: 1 tigok, 1 sugatan

February 29, 2024 Jonjon Reyes 132 views

Baril1ISA ng patay at isa ang sugatan sa pamamaril sa panulukan ng Onyx at Dagonoy Sts., San Andres Bukid, Manila noong Huwebes.

Namatay habang inoobserbahan sa Ospital ng Maynila dahil sa tama ng cal. 45 na baril ang biktimang si Gonzalo Pacheco, 43, ng Dagonoy St., San Andres Bukid, Maynila.

Sugatan din si Ferdinand Fontillia, 36, ayon kay Det. Boy NIño Balajay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section.

Naganap ang pamamaril ng suspek na si Vergllio Celis alyas Utoy, 32, residente ng Crisolita St., San Andres Bukid bandang alas-12:45 ng madaling araw.

Nabatid sa pulisya nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima bago ang pamamaril at natapos ng barilin ng suspek sa bandang likurang bahagi ng katawan ang dalawang biktima.

AUTHOR PROFILE