Default Thumbnail

Buto ng tao bumara sa septic tank

February 29, 2024 Melnie Ragasa-limena 76 views

NAKAKUHA ng umano’y mga buto ng tao ang lalaki na nagdede-clog ng septic tank sa Doña Aurora, Quezon City noong Miyerkules.

Ayon sa imbestigador na si PSSg Dhonnie B Peralta, natagpuan John Christopher Guda ang mga buto ng tao habang nagtatanggal bara sa kanilang septic tank bandang alas-8:30 ng umaga sa 7 Serrano Laktaw St., Brgy. Doña Aurora, Quezon City.

Agad ipinagbigay alam ng lalaki sa barangay ang insidente.

Sinabi ng Quezon City Police District Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na kinukunan na rin nila ng pahayag ang mga nakatira sa bahay gayundin ang may ari nito.

Isasailalim din sa DNA tests ang mga buto.