Kylie Larawan: Kylie Versoza/IG

Kylie nagpasilip ng dibdib

March 9, 2024 People's Tonight 174 views

MULI na namang pinatunayan ng model-actress na si Kylie Versoza na siya ang reyna ng kaseksihan matapos mag-upload ng “mainit” na larawan sa Instagram.

Hindi lamang titig na nakakatunaw ang mapapansin sa larawan, kung ‘di ang kanyang pasilip sa kanyang malusog na dibdib.

Suot kasi ng aktres ang hapit na hapit na damit, habang nasa pataas na anggulo ang pagkuha ng larawan nito.

Nariyan pang kita ang maliit na bewang ng aktres at malaking wetpaks at balakang nito habang inaayusan ng buhok.

Nasa tamang timpla rin ang make-up ng “The Housemaid” star sa kanyang morena skin tone. Litaw na litaw pa ang jawline nito, bold lashes, at dagdag pa ang kissable lips.

Bukod sa “pa-thirst trap,” kilala rin si Kylie pagdating sa pag-arte. Siya ay bumida sa mga pelikula gaya ng “Penduko,” “Abay Babes,” “Parang Kayo, Pero Hindi,” at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE