Virgin husband ipinagdasal ni Donita

March 9, 2024 Aster Amoyo 169 views

DonitaDonita1BIG deal sa mga lalake kapag virgin pa ang kanilang napapangasawa pero bibihira naman sa mga lalake ang virgin pa kapag sila’y nag-asawa tulad na lamang sa case ng second husband ngayon ng Fil-Am actress, host at chef na si Donita Rose, ang L.A.-based gospel singer na si Felson Palad who is 10 years Donita’s junior.

Donita was 48 at 38 naman si Felson nang sila’y magpakasal in Los Angeles, California nung September 24, 2022 after they met in February of same year. Pero bago pa man nagpakasal ang dalawa ay nagtapat si Felson kay Donita na virgin pa umano siya, isang bagay na ipinagdasal at ikinatuwa ng kanyang misis na ngayon.

Ayon kay Donita, speficific umano ang kanyang hiling at dinasal sa Diyos na mga katangian ng lalakeng muling darating sa kanyang buhay at ito’y nakita niya sa kanyang mister na ngayon na si Felson.

Sa recent guesting ni Donita sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang “Fast Talk with Boy Abunda” ay inamin ni Donita na virgin pa ang kanyang (second) husband nang sila’y ikasal na naging butt of talks (and even jokes) ng mga nakapanood ng programa.

Donita is currently in town for a vacation and TV guestings at isa ang programang “Fast Talk with Boy Abunda” sa kanyang pinagbigyan.

The actress, host, chef used to work as corporate chef sa Island Pacific Supermarket, isang chain of Filipino supermarkets in California and Las Vegas, Nevada owned and operated by L.A.-based (former) actress Krista Ranillo-Lim’s husband na si Jefferson ‘Nino’ Lim kung saan din nagta-trabaho until now ang isa pang L.A.-based actress-host na si G Toengi.

Donita has a 20-year-old son na si Joshua Paul Villarama sa kanyang ex-husband, ang US-based na si Eric Villarama. The former couple separated in 2016 after being married for 12 years.

The actress, host at chef ay na-discover ng yumaong star builder at Master Showman si German `Kuya Germs’ Moreno nung ito’y manood ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” on GMA. Nagkayayaan umano sila ng kanyang friends na manood ng programa. Nasa audience umano siya kasama ang kanyang mga kaibigan nang makita umano siya ni Kuya Germs who called her on stage. Instantly, Kuya Germs asked her kung gusto niyang mag-artista at agad namang sumang-ayon ang teen-ager pa noong si Donita. And the rest ay history nang maituturing.

Her stint sa “That’s Entertainment” on GMA opened a lot of doors of opportunities for her tulad ng hosting and acting at kasama na rito ang kanyang pagiging VJ ng MTV Asia in Singapore.

Sarah pang-global, hinihintay ang mga projects

Sarah1Sarah2ANG recent recognition na tinanggap ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo as the first and lone Filipino recipient from the Philippines and in Asia ng “Global Force Award mula sa Billboard Women in Music Awards 2024 nung nakaraang March 6 (March 7 sa Pilipinas) na ginanap sa YouTube Theater in Hollywood, California, USA is a testament na pang-global ang talent ng misis ng singer, actor, host at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Dahil sa global recognition na nakuha ni Sarah, may mga international record producers ang interesado umano sa kanya na hindi imposible dahil na rin sa vast connection ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario, Jr. na siyang tumatayong manager ng Popstar Royalty since 2003.

Sarah was accompanied to the global event by her husband na si Matteo kasama ang Sarah G Team na ipinasyal ng mag-asawa sa Universal Studios at ibang magagandang lugar in L.A. Ito bale ang treat ng mag-asawa sa loyal Sarah G. team.

Speaking of Sarah, kailan kaya matutuloy ang kanilang reunion movie ni John Lloyd Cruz which was announced by Viva last year?

Sarah and John Lloyd made four successful hit movies in the past na kanilang sinimulan sa “A Very Special Love” in 2008, “You Changed My Life” in 2009, “It Takes A Man and A Woman” in 2013 at “Finally Found Someone” in 2017. The first three movies were directed by Cathy Garcia-Sampana habang ang huli ay pinamahalaan ni Theodore Boborol.

Hinihintay din ng mga fans ng mag-asawang Sarah at Matteo ang kanilang movie together.

Ellie kinakikitaan ng future sa showbiz

Andi1HINDI maikakaila ang magandang features ng 12-year-old daughter ng dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Adrianna Gabrielle `Ellie’ Eigenmann na nakuha niya sa genes ng kanyang parents and grandparents.

Si Ellie ay apo ng namayapang actors na sina Mark Gil at Jaclyn Jose at nina dating Pres. Joseph `Erap’ Estrada at ang veteran actress na si Laarni Enriquez. Grandparents din ni Ellie ang actors na sina Michael de Mesa at ang mga yumaong sina Mark Gil at Cherrie Gil at mga uncles at auntie naman niya sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Maxene Eigenmann at iba pa.

At 12 (turning 13 on November 12), mas mataas na ngayon si Ellie sa kanyang inang si Andi at parang magkapatid na lamang tingnan ang dalawa kapag magkasama.

Since nagmula si Ellie sa family of showbiz royalties, hindi kami magtataka kung balang araw ay naisin din nitong pasukin ang mundo ng showbiz. But for now, pareho ang gusto nina Andi at Jake na mag-focus at magtapos muna ito sa kanyang pag-aaral.

Whenever free from school si Ellie, she spends her time in Siargao with her mom and her family and she’s able to balance her city and island life. Just like her step-father na si Philmar Alipayo and her mom na si Andi, natuto na ring maging surfer si Ellie, isang uri ng water sport na ini-enjoy niya.

Andi gustong dalhin ang mga abo ni Jaclyn sa Siargao

JaclynAndiJaclyn1Jaclyn2OUTPOURING ang pagmamahal na ipinakita ng mga nagmamahal sa namayapang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa kanyang ilang gabing burol sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City. Isa itong indikasyon sa kanyang magandang pakikisama at itinanim sa kanyang kapwa at naging mga kasamahan sa industriya nung siya’y nabubuhay pa.

Kumbaga sa sine, box office hit ang bawat gabi ng wake kaya nagpapasalamat ang kanyang panganay na anak na si Andi Eigenmann sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati at pagmamahal sa kanyang namayapang ina.

Although hindi pa final ang kanyang plano, inisip ni Andi na dalhin sa Siargao ang urn ng kanyang ina para araw-araw umano nila itong kasama ng kanyang pamilya. Definitely, kokunsultahin din niya ang desisyon ng kanyang half-brother (sa mother side) na si Gwen.

Kahit masakit pa rin kay Andi ang pagkawala ng kanyang ina, iniisip na lamang niya that she is now in a better place together with her dad, ang yumaong actor na si Mark Gil maging ang kanyang tiyahing si Cherie Gil.

Samantala, bukas pa rin umano si Andi sa posibilidad na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career kahit sa Siargao na siya naka-base along with her family.

Julia celebrates 27th birthday

JuliaJulia1IKA-27th birthday today, March 10 ng Viva star na si Julia Barretto kaya tiyak na meron itong special celebration with her boyfriend na si Gerald Anderson and her family.

Three days apart lamang ang kaarawan nina Gerald at Julia. The actor-entrepreneur’s birthday was last March 7, araw ng huwebes kung saan nakasama nito sa kanyang birthday ang kasintahan at pamilya nito.

Magmula nang maging magkasintahan sina Gerald at Julia, nakikita ang sobrang closeness ng actor sa pamilya ng kanyang girlfriend bagay na ikinatutuwa mismo ni Julia at pamilya nito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE