Kim

Fans kilig sa pagmamahal ni Paulo kay Kim

March 9, 2024 Vinia Vivar 120 views

Kilig ang KimPau fans sa sinabi ni Paulo Avelino tungkol sa pagmamahal niya kay Kim Chiu sa mediacon ng Pinoy adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim na ginanap nitong Sabado, March 9, sa Quantum Skyview ng Gateway Mall.

Natanong kasi ang dalawa kung ano ang unusual na ginawa nila for love at ang diretsong sagot ni Paulo ay ang seryeng ito.

“Itong Secretary Kim,” ani Paulo sabay-tingin kay Kimmy. “Dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka at sa lahat ng binigay mo sa Linlang. So, pambawi sa ‘yo, I’m here in Secretary Kim.

Sigawan ang fans na nanonood ng mediacon.

Dagdag pa ni Paulo, “If it was offered to me and it wasn’t Kim, I’d probably have second thoughts.”

Si Kim naman ay nagbiro na “love? Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na” sabay-tawa.

But seriously, aniya ay marami siyang ginawang unusual para sa pag-ibig.

“Sobrang giving ko talaga na tao na parang ayoko na may male-left out or may nao-OP or something. I always give as long as I can give,” ani Kim.

Mas lalong kinilig ang mga tao nang sabihin ni Kim na mas gwapo naman si Paulo kesa sa South Korean actor na bida ng original K-drama na si Park Seo Joon.

Natanong din ang KimPau kung ano ang qualities na ina-admire nila sa isa’t isa at kinilig na naman ang fans sa kanilang sagot.

“Pogi siya,” natatawang sabi ni Kimmy,

Dagdag pa ng aktres,”Alam niya ‘yung ginagawa niya, very consistent sa trabaho and parang we share the same passion when it comes to work saka parehas kami ng gusto so nakakagulat na parang boy counterpart ko (siya),” paglalarawan ni Kim sa leading man.

Hirit naman ni Paulo, siya ang low-batt version ni Kim.

“So, parang nakaka-amaze na makakita ng boy version mo. Nakakatuwang makatrabaho ang isang Paulo Avelino. Mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong rom-com na genre so mas napahanga niya ako as an actor dahil kaya niyang gawin lahat talaga in his best,” sey ni Kim.

Sabi naman ni Pau, noon pa lang bagong lipat siya sa ABS-CBN ay si Kim na talaga ang gusto niyang makatrabaho pero hindi siya nabigyan ng opportunity until Linlang came.

“I was very happy. Not just because we know that Kim is a star but she’s so bubbly, she’s maturing as an actress, but also after working with her, maybe one of the qualities that I would say is I like working with people who works fast and knows what they’re doing. And Kim is ganu’n.

“Kumbaga, mabilis siyang kumilos, alam na niya ‘yung script, alam niya ‘yung gagawin, walang nagiging problema,” pahayag ni Pau.

Bukod sa KimPau, kasama rin sa WWWSK Ph sina Janice de Belen, Romnick Sarmenta, Franco Laurel, Pepe Herrera at marami pang iba. It is set to premiere on March 18 on Viu.

AUTHOR PROFILE