Kulong

Koreano himas rehas sa panghihipo

October 23, 2023 Melnie Ragasa-limena 168 views

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang Koreano nang arestuhin dahil sa panghihipo sa isang customer sa bar sa Quezon City noong Sabado.

Positibong itinuro sa mga pulis ng biktimang si Jessica, 18, ang suspek na si Sanghyun Park, 37, ng Unit 8C West Tower, The Sapphire Bloc, Ortigas, Pasig City.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas 2:30 ng madaling araw sa labas ng Guily’s Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Nasa labas ng bar ang biktima kasama ang kanyang boyfriend nang biglang lapitan ng suspek na lasing na lasing.

Hinawakan ng suspek ang braso ng biktima at dinakma ang dibdib nito na ikinagulat ng huli.

Humingi ng tulong ang biktima at boyfriend niya kaya agad na rumesponde ang mga bouncers ng bar.

Sa kabila ng paghingi ng tawad ng suspek, desidido pa rin ang biktima na ituloy ang reklamo laban sa Koreano.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) ang Koreano.