Default Thumbnail

Naipong P35K inanay sa DavOr

May 23, 2024 Zaida I. Delos Reyes 69 views

LABIS ang hinagpis ng isang ginang sa Davao Oriental matapos na sirain ng anay ang inipong P35,000 na pambili sana ng computer at laptop ng kanyang anak.

Sa nag-viral na social media post, makikita ang sama ng loob ni Sherell Ampong dahil nagkagutay-gutay ang perang pinaghirapan niyang ipunin.

Sa halip na i-deposit ang pera sa bangko, inilagay lang ng ginang ang pera sa isang karton at itinago sa cabinet.

Makalipas ang ilang buwan, laking gulat ni Sherell nang makitang wasak-wasak na ang kanyang pera.

Wala namang magawa ang anak ng ginang na sina Kenny at Maria sa nangyari dahil hindi naman ito ginusto ng kanilang ina.

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaring mapalitan ang anumang nasirang banknote kung intact pa ang 60% ng features nito at makikita pa ang facsimile signatures at buo pa ang windowed security thread.

Ang payo ng BSP sa publiko, mas mabuting ilagay sa bangko ang perang inipon lalo na kung malaki ito.