BBM1 Pinangunahan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., katulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pamimigay ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks & Families (PAFFF) sa 10,000 benepisaryo sa Provincial Sports Complex, Department of Education Compound, Tubig Mampalam, Bongao, Tawi-Tawi Huwebes ng umaga. morning. Nasa litrato rin sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, 95 District and Partylist miyembro ng Kamara na pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. Deputy Speakers David “Jayjay” Suarez, Vincent Franco “Duke” Frasco at ibang opisyas ng gobyerno. Kuha ni VER NOVENO

PINAKAMARAMING MAMBABATAS SA BPSF TAWI-TAWI

May 23, 2024 People's Tonight 91 views

BBM2BBM395 mambabatas ng Mababang Kapulungan nakiisa

NAITALA sa 95 mambabatas ng Mababang Kapulungan-ang pinakamalaking bilang sa kasalukuyan, ang nakiisa sa isinasagawang 2-day event ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ikinagalak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing tagapagtaguyod ng BPSF, ang pagdalo ng 95 mambabatas sa service caravan, na dumayo upang saksihan ang pagpapatupad ng “revolutionary program” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“Atin pong ikinagagalak ang presensya ng 95 na miyembro ng Kamara de Representantes dito sa BARMM, sa Tawi-Tawi. Hindi biro ang paglalakbay natin dito ngayon, pero hindi ito inalintana ng ating mga kasamahan para masaksihan ang programa ni Pangulong Marcos Jr.,” ayon kay Romualdez, lider ng higit sa 300-kinatwan ng Kamara de Representantes.

“At tunay naman na nakakaalis ng pagod ang makita natin ang ating mga kababayan na nagbebenepisyo sa mga programang ating pinopondohan sa Kongreso. Ang bawat numerong ating pinagdedebatehan sa Kamara ay may katumbas na pamilyang makikinabang sa ayudang ating aaprubahan,” dagdag pa ng mambabatas.

Si Speaker Romualdez, ang kinatawan ng Pangulong Marcos Jr., ang nagsilbing Keynote Speaker sa Service Caravan sa Tawi-Tawi kung saan nagsilbing local host ng pagdiriwang sina Gov. Yshmael I. Sali at Rep. Dimszar M. Sali.

“Nais kong pasalamatan ang ating mga kinatawan na nandito ngayon. Sabay-sabay nating saksihan ang kalinga ng ating Pangulo lalong-lalo na sa Mindanao. Ito ang pam-pitong lugar sa Mindanao na napuntahan ng BPSF, at hindi ito ang magiging huli,” ani Speaker Romualdez.

Ang Tawi-Tawi BPSF ay ang ika-18 sa serye ng Serbisyo Caravan na layong dalhin sa 82 mga lalawigan sa buong bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa serbisyo fair mula sa Kamara sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales II, Deputy Majority Leader David “Jay-Jay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose M. Dalipe, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, Reps. Jurdin Jesus M. Romualdo, Rodge Gutierrez, Janette Garin, Erwin Tulfo, Daphne Lagon, Geraldine Roman, Ernix Dionisio, Joel Chua, Edvic G. Yap, Maria Carmen S. Zamora, Tsuyoshi Anthony G. Horibata, Miguel Luis R. Villafuerte, Ron P. Salo, Francisco Jose F. Matugas, Maria Rachel J. Arenas, Gerville R. Luistro, Jose “Bong” J. Teves Jr., at iba pa.

Dumalo rin sa kaganapan sina Basilan Gov. Hadjiman Sabbihi Hataman-Salliman, Sulu Gov. Abdusakur Mahail Tan at 10 mga alkalde na sina Mayor Jimuel S. Que, Mayor Abduhasan Ismail I. Sali, Mayor Suraida F. Muksin, Mayor Rhodesia M. Sali, Mayor Nur-Fitra P. Ahaja, Mayor Wasilah T. Abdurahman, Mayor Tiblan C. Ahaja, Mayor Hadzri H. Matba, Mayor Al-Shalid A. Salih, at Mayor Mohammad Faizal G. Jamalul.

“With this number of local and national officials witnessing how the BPSF truly serves the people, I will have no doubt that many more will join us in this very important endeavor. Sana sa susunod ay mas marami pa tayong maimbita dito sa BPSF,” ayon pa kay Romualdez.

AUTHOR PROFILE