Nash Nash Aguas and Mika de la Cruz

Nash at Mika bigay ni Lord ang love story

June 16, 2024 Aster Amoyo 188 views

Napakaganda ng love story nina Nash Aguas at Mika de la Cruz.

Imbes na tuluyang magkalayo ang dalawa matapos ang kanilang breakup noon, tila ito pa ang naging daan upang mapadali ang kanilang kasal.

Sa panayam sa newlyweds, inilahad ni Mika na naapektuhan ng kanyang kalusugan at pagkamatay ng kanilang mga magulang, ang relasyon nila ni Nash.

“We came to a breaking point,” saad ni Mika na nauwi sa hiwalayan ng dalawa noong Agosto 2023.

Kasama sa kanilang paghihiwalay ang pagtigil ng kanilang komunikasyon at ugnayan.

Ayon kay Mika, walang nangyaring panunuyo para magkabalikan sila. Basta isang araw, pinuntahan siya ni Nash at inalok siya ng kasal.

“August 3 kami naghiwalay, hindi kami magkausap. Pumunta na lang siya sa bahay bigla nung January 4 tapos nag-propose,” natatawang kuwento ng aktres.

Ayon kay Nash, bago pa man sila maghiwalay ni Mika, may plano na talaga siyang mag-propose sa nobya.

“First time I sought His will, sabi ko, Lord, bakit ganun, bakit parang may mali? Pinag-pray ko na, if it’s Your will, then Your will be done. Pero if hindi kami para sa isa’t isa, sana paadaanin mo na sa kanya, kasi ‘di ko kayang makipag-break kasi I love her too much.

“We were a mess, pero ‘yung nandoon lang is ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” saad ng aktor.

Nang magkabalikan na, sinabi ni Mika na naging kakaiba ang lahat at nakaramdam siya ng kapayapaan.

“What happened was really God doing his work sa aming dalawa,” sabi ni Nash.

Ayon kay Mika, mas masaya ang pagsasama nila ngayon ni Nash, na inayunan naman ng aktor lalo na nang ikinasal sila.

Ibinahagi rin ng dalawa na pinili nilang gawing intimate at tanging miyembro lang ng pamilya ang imbitahan sa kasal dahil ayaw nilang mamili mula sa napakarami nilang kaibigan kung sino ang padadaluhin sa kanilang kasal.

Sanya nagkaroon ng ka-MU pero walang oras

Sanya
Sanya Lopez

NAGKUWENTO si Sanya Lopez na may ilan na siyang naka-mutual understanding, pero hindi ito humahantong sa relasyon dahil sa mga nakikita niyang “red flags” at pagiging demanding ng lalaki.

“Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganu’n lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Oops, wait lang.’ Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan. Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga, oops may mga red flag, lumalabas ang red flags niya,” ayon sa Sparkle actress.

May mga demands din sa kanya ang lalaking kanyang naka-mutual understanding.

“Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’ Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ng ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-prioritize ako. But if you really love someone, maiintindihan mo naman siguro ‘yung sitwasyon ko. And madalas kasi nagiging issue lang naman sa amin pareho is that hindi nila naa-appreciate ‘yung oras na ibinibigay ko sa kanila.”

Bahagi si Sanya ng cast sa thriller-drama ng GMA Pictures at Viva Films na ‘Playtime,’ at kasama niya rin dito sina Xian Lim, Coleen Garcia at Faye Lorenzo.

TNK judges pinabilib ni MC

TINANGHAL na grand champion ng Tanghalan ng Kampeon sa Tiktoclock ang kontesera na si MC Mateo.

Tinalo ni MC ang mga nakalaban niya sa grand finals na sina Rica Maer, Shamae Mariano, at Rdee Asadon.

Napabilib ni MC ang mga hurado na kinabibilangan nila Renz Verano, Jessica Villarubin at Carl Guevarra. Naimbitahan di na maging guest judges sina Daryl Ong at Hannah Precillas.

Nagwagi si MC ng P500,000 cash at management contract sa Sparkle GMA Artist Center.

AUTHOR PROFILE