Rice2 Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasama si Tawi-Tawi Lone District Rep. Dimszar Sali, ang paglulunsad ng Cash and Rice Distribution (CARD) program sa 5,000 benepisaryo sa Henry V. Kong Gymnasium Mindanao State University Tawi-Tawi. Kuha ni VER NOVENO

5K MAY AYUDA, BIGAS MULA KAY ‘MR RICE’

May 23, 2024 People's Tonight 92 views

RiceRice1LIMANG libong residente sa Tawi-Tawi ang nakatanggap ng cash-aid at bigas mula sa programa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay Speaker Romualdez, layunin ng programa na makapaghatid ng tulong ang gobyerno sa mga nangangailangan maging sa pinakamamalayong lugar tulad sa lalawigan ng Bangsamoro.

Kasabay ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program na inisyatibo ni Speaker Romualdez ang isinagawang dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) at iba pang mga programa ng pamamahagi ng tulong na hatid ng mga ahensya ng pamahalaan.

“Proud po tayo sa ating inisyatiba na layong magbigay tulong sa ating mga vulnerable sectors sa lipunan. Sinimulan po natin ito noong isang taon at simula noon, napakarami na po nating nabigyan ng ayuda sa ating mga kababayan,” ayon kay Speaker Romualdez.

Ginanap ang CARD Program payout the Henry V. Kong Gymnasium, Mindanao State University, kung saan pinangunahan ni Speaker Romualdez, na kilala bilang si “Mr. Rice,” ang palatuntunan.

“Ang bigas po ay buhay, kaya naman naisip nating ipatupad ang CARD Program para magbigay ng bigas at konting tulong pinansyal sa ating mga mamamayan. Lalo na ngayong mataas ang presyo ng bigas at iba pang bilihin, layon ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang CARD Program ay tumutugon sa pagtaas ng presyo ng bigas at layuning tulungan ang mga Filipino na magkaroon ng mabibiling murang halaga ng bigas at karampatang tulong pinansyal.

Ang layunin ng programa ay hindi lamang para pataasin ang kakayahan ng publiko sa pagbili, kundi ay isa ring hakbang laban sa mga hoarder at nagmamanipula ng presyo ng bigas. Ang programa ay kumakatawan sa sama-samang pagsisikap upang tugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng bigas, at isulong ang katatagan ng ekonomiya para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Kabuuang 5,000 benepisyaryo sa Tawi-Tawi na kabilang sa sektor ng mahihirap, senior citizens, PWDs, single parents at IP’s ang nakatanggap ng tig-P3,000 sa pamamagitan ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD. Bawat benapisyaryo ay nakatanggap din ng 7 kilo ng bigas.

“Kasama po ito sa mga programa ni Pangulong Marcos Jr. para labanan ang kagutuman. Kaya tuloy-tuloy lang ang ating distribusyon ng bigas at ayuda para sa ating mga kababayan,” ayon kay Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE