Blackman

Sikat na content creator kilig kina Dominic, Gabby at KC

May 23, 2024 Vinia Vivar 103 views

Pinay na Pinay pa rin by heart ang sikat na content creator na si Jeraldine Blackman ng Blackman Family kahit na naninirahan na siya sa Australia kasama ang Aussie husband na si Joshua Blackman at ang kanilang dalawang anak na sina Nimo at Jette.

Nasa Pilipinas ngayon si Jeraldine dahil nagkaroon siya ng contract-signing bilang pinakabagong endorser ng Beautederm ni Rei Anicoche-Tan.

Naganap ang bonggang launching at contract signing last Wednesday sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga.

Sa Q and A portion, game na sinagot ng social media personality ang mga katanungan ng press at nakakatuwa ang sagot niya nang matanong tungkol sa mga showbiz personality.

Nabanggit ni Jeraldine na maraming artista ang nagla-like ng kanyang posts kaya natanong siya kung kanino siya kinikilig sa mga ito.

“Oh my God! Si Dominic Roque,” mabilis niyang sagot.

Sey pa niya, “Nag-follow nga siya sa ‘kin, tapos tiningnan ko, ay follow back ako! Kapal-kapal nga ng mukha ko, follow back pa ako, hindi pa ako ‘yung nag-follow.”

So, friends na sila ni Dominic ngayon?

“Oo,” masaya niyang sey.

Nag-follow din ba sa kanya ang ex-fiancee ni Dom na si Bea Alonzo?

“Hindi,” nakangiti niyang sagot.

Kinilig din siya kay KC Concepcion na nag-follow din at nag-message pa sa kanya.

Nabanggit din niya si Gabby Concepcion na na-meet pa niya sa Isabela at nag-picture pa sila.

Bilang endorser ng Beautederm, ayon kay Jeraldine, sobrang na-excite siya nang mag-reach out sa kanya si Miss Rei.

“I really admire Ate Rhea as an entrepreneur. Look at her. She’s so successful yet so humble. I know her brand is a well-loved brand here in the Philippines, and I am so excited to make content endorsing the three new products.

“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” aniya.

Ayon naman sa Beautederm President and CEO, perfect si Jeraldine na endorser ng kanyang tatlong bagong produkto.

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone. We thank our consumers for their loyalty and support,” pahayag ni Rei.

Jeraldine is endorsing the newly-launched Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty and Cristaux Vitamin C Serum.

The brand also announced its partnership with the Bb. Pilipinas organization.

AUTHOR PROFILE