Sharon

Sharon shocked sa best actress nomination

May 23, 2024 Vinia Vivar 94 views

Na-shock si Sharon Cuneta sa pagkaka-nominate niya bilang best actress sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) awards night.

Nominado ang Megastar para sa Metro Manila Film Festival 2023 movie niya na Family of Two na pinagbidahan nila ni Alden Richards.

Ipinost ni Shawie ang screenshot ng imbiyasyon na natanggap para sa awarding ceremony na gaganapin sa May 26 sa Manila Hotel.

Sey ni Shawie sa caption, nagulat siya sa nominasyon at ipinahayag ang kasiyahan.

“Oh my gulay!!! Just got this from Direk Nuel @directfromnen and I got gulat!” simula ni Mega.

‘Yun nga lang, mukhang hindi makakadalo si Sharon dahil nasa Italy siya.

“Oh nooooo I’ll still be in Italy!!! WHYYYYYYYYYYY…!!!” aniya

Masayang nagpasalamat si Mega sa oldest award-giving body sa Pilipinas.

“Thank you po so much, FAMAS AWARDS. Napakalaking honor po nito! Praise God!!!” aniya.

Hinandog din niya ang kanyang rekognisyon sa kanyang mga fans.

“This is for all you my beloved SHARONIANS / SHARMY!!! I LOVE YOU!!! Such a blessing and a gift while am so far away!!!” pagtatapos ni Sharon.

AUTHOR PROFILE