Marian

‘My Guardian Alien’ ni Marian, inspirasyon sa maraming viewers

June 15, 2024 Ian F. Fariñas 223 views

Nase-sepanx na ang mga Kapuso dahil sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na My Guardian Alien.

Puring-puri ng avid viewers ang heartwarming na kuwento ng serye pati ang undeniable chemistry nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang Grace at bankable leading man Gabby Concepcion bilang Carlos.

Komento ng netizens sa GMA Network YouTube channel, “Dahil sa story na ‘to, mai-inspire kang gumawa ng kabutihan, maging mapagbigay at mapagpatawad. May kontrabida man, pinapakita pa rin na kaya nilang magbago. Less stress, ang gaan lang. Matutulog kang inspired na maging mas mabuting tao.” Dagdag pa ng ilan, “Wala talaga akong masabi, sobrang bagay si Gabby Concepcion at Marian Rivera. Ang galing din ng buong cast!”

Ngayong malapit nang matapos ang serye, marami na agad ang humihingi ng bagong season.

Sey ng fans, “Mami-miss namin kayong lahat. Pwede bang huwag munang tapusin ‘to. Extension please. Sana magka-season 2 napakaganda ng kwentong ‘to!”

Tuloy na nga ang wedding of the year kahit alam ni Carlos na aalis din sa Earth si Grace. Paano kaya ang kanilang happily ever after?

Samantala, magiging kakampi ba o kaaway ang bagong alien na dumating sa buhay nila?

Huwag palampasin ang mga susunod na eksena sa My Guardian Alien, 8:50 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream.

AUTHOR PROFILE