Stell

Stell ng SB19 bet na personal na mag-sorry kay Rondina

June 15, 2024 Vinia Vivar 130 views

Lumaki na nang lumaki ang issue ng SB19 at ng volleyball player na si Sisi Rondina na nagsimula lang sa simpleng remark ng huli tungkol sa grupo.

Matatandaan na sa Independence Day program sa Busan, South Korea last June 9 ay natanong ang Alas Pilipinas kung kaninong performances ang excited silang makita.

Maririnig na may ilang nagsasabi na “SB19.”

Sumagot naman si Sisi ng “Starbucks lang alam ko.”

Ikina-offend ito ng fans ng SB19 at pinaulanan ng pangba-bash si Rondina.

Kaagad namang humihgi ng paumanhin ang atleta sa kanyang Instagram account.

“Personally hindi ko talaga sila kilala… hindi ko alam ba. Sorry po talaga. I’m really sorry,” she wrote.

Ang leader naman ng SB19 na si Pablo ay nag-release ng statement at pinagsabihan ang A’tin (tawag sa fandom ng grupo) na huwag makipag-away.

Sa latest interview ng ABS-CBN sa SB19 member na si Stell, sinabi niyang gusto rin niyang humingi ng sorry sa volleyball player.

“Gusto ko sanang mag-apologize sa kanya nang personal sa nangyari. Mag-meet man lang at mag-sorry lang,” ani Stell.

“Nagsalita lang kami kasi feeling namin out of hand na siya, lumalaki na siya,” dagdag niya.

Ayon pa kay Stell, ayaw din nila na nalalagay sa alanganin ang kanilang fans.

“Ayaw po namin talaga, especially po sa fandom po namin, ayaw po namin na may ginagawa silang mga bagay na at the end of the day, sila lang din ‘yung maapektuhan. Kung sila ayaw nilang naaapektuhan kami, kami rin naman ayaw naming naaapektuhan sila. Alam mo ‘yung sa family, ipagtatanggol niyo ang isa’t isa,” aniya.

AUTHOR PROFILE