RIT

Lalaki tigok sa RIT

June 16, 2024 Gil Aman 176 views

PATAY ang isang driver ng barilin ng isa sa riding-in-tandem (RIT) noong Linggo sa P. Guevarra St., Sta. Cruz, Laguna.

Idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Alejandro Canlas ng Laguna Medical Center ang biktimang si alyas Jayson dahil sa tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-3:00 ng umaga habang nakaparada sa P. Guevarra St., Brgy. Poblacion 3 ang tricycle ng biktima ng biglang dumating ang dalawang suspek at pinutukan siya sa katawan ng ilang beses.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Brgy. Pagsawitan, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE