Manalo1

Chelsea hindi na-insecure sa kanyang kulay

May 24, 2024 Aster Amoyo 99 views

ManaloManalo2Manalo3SA kauna-unahang pagkakataon ay isang Filipino and black American from Meycauayan, Bulacan ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2024, ang 22 year-old na si Chelsea Manalo besting 52 other candidates na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas maging sa magkakaibang Filipino communities sa ibang bansa na ang grand coronation night ay ginanap sa SM Mall of Asia Arena in Pasay City last Wednesday, May 22, 2024. She will represent the Philippines sa 73rd Miss Universe competition 2024 na nakatakdang ganapin in Mexico sa darating na September 2024.

Si Stacey Gabriel ng Cainta, Rizal ang tinanghal na 1st runner-up, Ahtisa Manalo ng Quezon Province as 2nd runner-up, Tarah Mae Valencia from Baguio bilang 3rd runner-up at Christi McGarry from Taguig as 4th runner-up. Ang mga ito ay kakatawan din sa iba’t ibang international beauty pageants.

In 2017 ay sumubok din si Chelsea sa Miss World Philippines pero pumasok lamang siya sa Top 15 pero hindi siya nawalan ng pag-asa at muli siyang sumali sa 2024 Miss Universe Philippines kung saan niya nasungkit ang titulo at korona.

Ang tagumpay ni Chelsea ay hindi na na-witness ng kanyang namayapang African-American biological father pero ito’y nasaksihan ng kanyang Filipina mother and step-father na kapwa very proud sa kanya dahil matagal na niya itong pangarap.

Ang korona ay ipinutong sa kanya ng outgoing 2023 Miss Universe Philippines at Kapuso actress na si Michelle Dee, anak ng 1979 Miss International na si Melanie Marquez at ang businessman at dating actor na si Derek Dee.

Si Chelsea na nga kaya ang susunod na Filipina Miss Universe matapos ang 2018 win ni Catriona Gray? Ito ang aim ng dalaga from Meycauayan, Bulacan na ang adbokasiya ay ang tumulong sa indigenous Dumagat people sa Norzagaray, Bulacan laluna ang mga kabataan.

Kahit kailan ay hindi na-insecure si Chelsea sa kanyang skin color na kanyang nakuha sa kanyang late biological father.

A Team ni Ogie sunud-sunod ang projects

Ogie1AraPicRyanAngelineDAGSA ang mga tao sa loob ng CWC Interiors Showroom na matatagpuan sa ground floor ng Milestone Building in Bonifacio Global City in Taguig sa kauna-unahang star-studded trade launch ng A-Team na pinamumunuan ng singer-songwriter, actor-comedian, host at entrepreneur na si Ogie Alcasid. Bukod sa mga tao na nagmula sa advertising sector, namataan namin doon ang dalawang big bosses ng ABS-CBN na sina Mark Lopez at Cory Vidanes, ang award-winning director at talent manager na si Chito Rono and his talents na sina Vhong Navarro and Jhong Hilario, Ogie Alcasid and his wife Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera and his longtime partner na si Anj del Rosario, Ryan Bang, Lara Maigue, Gian Magdangal, Randy Santiago and Amy Perez who hosted the program at iba pa.

Ang A-Team ay may 21 line-up of shows and concerts for 2024 and 2025 at kasama na rito ang concert nina Gian Magdangal at Lara Maigue at Gateway, Concert King Martin Nievera at the Big Dome (Araneta Coliseum), ang reunion concert ng Streetboys kung saan kabilang sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na gaganapin sa New Frontier Theater, ang Noel Cabangon and Friends “String Fever,” ang “POWER X 3” na tatampukan nina Jed Madela, Bituin Escalante at Poppert, ang apat na concert series ni Ogie Alcasid at ang kanyang 12 musical shows.

Bukod sa pagpu-produce ng shows and concerts, ang A-Team ni Ogie ay nagpu-produce din ng records and talent management.

Si Ogie ay isa sa mga OPM greats hindi lamang bilang singer-songwriter kundi isa ring OPM hitmaker. Regular siyang napapanood sa longtime and top-rating noontime program na “It’s Showtime” maging sa longest-running musical show every Sunday, ang “ASAP Natin `To” on ABS-CBN.

Lovi tuluy-tuloy ang projects sa Pilipinas kahit LA-based na

LoviSA ikalawang pagkakataon ay muling lumagda ng panibagong kontrata ang Los Angeles, California, USA-based singer-actress na si Lovi Poe bilang brand ambassador ng SCD beauty products na ginanap sa ballroom ng Seda Hotel in Vertis North kamakailan lamang. Ito ang rason kung bakit muling lumipad ang singer-actress na nakapasok na rin sa Hollywood.

Lovi is married to LA -based Englishman producer na si Monty Blencowe, ang reason kung bakit sa L.A. na rin siya naka-base. Pero hindi ito dahilan para hindi siya magpabalik-balik ng L.A. at Pilipinas kung saan siya may mga trabaho.

Although nagpaalam na siya sa tumatakbong hit TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” bilang love interest ni Tanggol (Coco Martin), thankful si Lovi sa malaking opportunity na ibinigay nito sa kanya ni Coco.

Bukod sa kanyang pagiging brand ambassador ng SCD beauty products, may mga gagawin ding pelikula sa Pilipinas si Lovi which will require her to stay sa bansa sa loob ng tatlong buwan.

“I’m just so lucky na very understanding and supportive ang husband ko. He knows kasi na passion ko ang acting,” pahayag ni Lovi na handa na ring maging ina sakaling dumating ito.

Ang maganda kay Lovi, hindi lamang siya sa Pilipinas nakakagawa ng mga proyekto kundi na-penetrate na rin niya ang Hollywood.

Martin sumadsad, minsang muntik wakasan ang buhay

MartinOgieNAGING malaking rebelasyon sa amin ang mga isinawalat ng Concert King na si Martin Nievera sa aming exclusive interview sa kanya para sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” kung saan niya inamin na practically sumadsad ang kanyang career sa loob ng dalawang taon nang mag-desisyon siya noon na manatili sa Las Vegas, Nevada matapos ang celebrated break-up nila noon kanyang ex-wife na si Pops Fernandez.

Ayon kay Martin, there came even a point na ibinenta niya ang kanyang sasakyan, mga mamahaling relos para mabayaran lamang niya ang kanyang back-up musicians at tumira rin umano siya sa isang bodega. Worse, dumating pa umano sa punto na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay sa pag-aakalang wala nang silbi ang kanyang buhay at ang kanyang karera. Pero sa awa ng Diyos, hindi ito natuloy at muling nagkaroon siya ng panibagong pagkakataon na makabangon.

Martin was convinced by a Filipino promoter in Las Vegas na siya ang magiging next attraction ng Aladdin Hotel (now Planet Hollywood) at kasunod na rito ang kanyang paglagda ng kontrata sa nasabing hotel not him knowing na dito pala siya mapapahamak. He and his band went on with the shows without being paid at dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo in Las Vegas.

Although isa noon si Martin sa pioneer ng “ASAP” (now “ASAP Natin `To), nawala siya sa programa sa loob ng dalawang taon kaya kinuha ng ABS-CBN ang kanyang arch-rival noon na si Gary Valenciano na maging bahagi ng programa. Pero nang mag-desisyon si Martin na bumalik ng Pilipinas to give his career another try, muli siyang bumalik sa “ASAP” kahit naroon na si Gary at dito ay unti-unti siyang nakabangon at muling sumigla ang takbo ng kanyang career.

Hanggang ngayon ay tangan pa rin ni Martin ang kanyang titulong Concert King sa kabila ng pagsulputan ng mga bagong sibol na singers at performers.

Samantala, isa sa mga bagong challenge sa kanyang buhay ngayon ay ang kanyang pagiging brand new grandfather ng isang baby boy na si Phineas Nievera, anak ng kanilang panganay ni Pops na si Robin Nievera sa kanyang Chicago-based partner na isa ring Filipino-American. Kung Lolly or Loli ang patawag ni Pops sa kanilang unang apo, Lilo naman kay Martin sa halip na lolo.

Bukod sa dalawa nilang anak ni Pops na sina Robin at Ram, si Martin ay meron ding teen-age son sa dati nitong partner na si Katrina Ojeda na si Santino na very close sa dalawa nitong elder brothers maging kay Pops.

SUBSCRIBE, like, SHARE, comment and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE