OTS

Tauhan ng OTS nagsoli ng wallet na may laman na P10,500

May 23, 2024 Jun I. Legaspi 302 views

ISANG tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ang nagbalik ng napulot na wallet na may lamang P10,500 cash sa Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ang tapat na empleyado na si Shiella Mae Porsenido, Security Screening Officer (SSO) ng OTS.

Isinauli ni Porsenido ang napulot na P10,500 na naiwan sa security screening area ng NAIA Terminal 3 nitong May 19

Nag-iinspeksyon ng mga bagahe si Porsenido nang matagpuan ang wallet sa x-ray’s Automatic Tray Return System Lane.

Itinurn over niya ang wallet kay Checkpoint Supervisor (CPS) Jessica Combo.

Kalaunan, isang pasahero ang bumalik sa security checkpoint para hanapin ang kanyang wallet.

Ipinakita ng pasahero ang kanyang identification upang kumpirmahin ang pag-aari sa wallet na nabawi rin niya.

“Sa OTS laging honest. ‘Yan ang pinapatunayan ng ating mga maaasahang SSOs sa bawat items na binabalik nila sa mga pasaherong nakakaiwan ng kanilang items sa ating security screening checkpoints,” sabi ni OTS Office-In-Charge Asec. Jose A. Briones Jr.

AUTHOR PROFILE