Posas

Ina, 72, ginawang punching bag, muntik madedo ng anak

May 23, 2024 Melnie Ragasa-limena 60 views

NAHAHARAP sa kasong frustrated parricide ang binata na muntik mapatay ang kanyang 72-anyos na ina dahil sa matinding bugbog noong Miyerkules sa Brgy. Sauyo, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police Station 3 ang 33-anyos na suspek na nakilalang si Joseph na muntik mapatay ang ina niya dakong alas-4:30 ng hapon sa nabannggit na barangay.

Bago ito, nagtungo sa barangay hall ng Sauyo ang biktima na si Erlinda Bravo, 72, para asikasuhin ang kanyang senior citizen documents.

Pagdating sa bahay, sinigawan ni Joseph ang ina at sinabihan ng “P….mo san ka nagpunta?” Hindi naman sumagot ang biktima.

Kasunod nito, binugbog na ng suspek ang ina sabay sabi ng ‘P…..mo! Papatayin na kita ngayon dito!

Dito na nawalan ng malay ang biktima hanggang sa itakbo ng dalawang babaeng kapatid ni Joseph sa Quezon City General Hospital.

Agad ding humingi ng responde ang mga anak ng biktima sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.