Default Thumbnail

Lalaki tumalon sa footbridge, buhay

May 23, 2024 Melnie Ragasa-limena 73 views

SUGATAN ang isang 18-anyos na lalaki ng tumalon mula sa ibabaw ng footbridge sa Brgy. Old Balara, Quezon City noong Miyerkules.

Isinugod sa Diliman Doctor’s Hospital ang biktima na residente ng Kaingin 2, Brgy. Pansol, Matandang Balara, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District-Batasan Police Station 6, alas-11:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa naturang ospital tungkol sa pagtalon ng isang lalaki sa Luzon Footbridge sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Tumalon ang binata bandang alas-8:30 ng gabi pero naitakbo ng mga bystanders sa naturang ospital kaya hindi natigok.