Heart

Heart kabado bilang prexy ng Senate Spouses of PH

May 23, 2024 PS Jun M. Sarmiento 75 views

SINABI ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na napaiyak at umaming balisa ang kanyang maybahay na si Heart Evangelista sa gagampanan niyang posisyon na pangulo ng Senate Spouses of the Philippines.

Nagpahiwatig si Heart, na actress at fashion icon, na hindi pa siya sanay sa bagong tatahakin na pagsubok bilang pinuno ng mga asawa ng 23 pang senador o mas kilala bilang Senate Spouses of Philippines.

Sa kanyang instagram stories, sinabi ni Ms. Heart na ipinagmamalaki niya ang kanyang asawa matapos ang oath-taking ceremony ng kanyang asawa sa tulong ni Sen. Senator Mark Villar.

“Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nagtanong siya kung kakayanin ba niya?” ani Escudero.

Para kay Escudero, wala siyang nakikitang masama para itago nilang mag asawa na nasa adjustment period pa sila.

“Syempre sinabihan ko siya na kukuha muna din siya ng idea sa iba. Humingi kami ng advise sa wife ni Sen. Pimentel, Si Ms. Katrina on what to do and how.

Kung dapat bang ipagpatuloy ang mga dati ng naiwan na project or dapat makagawa na siya ng mga project na iba because their budget is only through donation,” paglalahad ni Escudero.

Kilala si Heart Evangelista bilang fashion icon. Dalawang ulit na siyang nagkaroon ng miscarriage.

Kamakailan lamang nakitang kasama si Heart ng iba pang mga asawa ng mga senador at mga senador sa imbitasyon ng Malakanyang matapos paunlakan ng mga ito ang paanyaya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni First Lady Liza Araneta-Marcos.