Bagets

Bagets huli sa sex kotong sa pinsan

May 23, 2024 Alfred P. Dalizon 102 views

ISANG teenager na sinasabing ginamit ang mga hubad na larawan at video ng kanyang babaeng pinsan upang humingi ng pera sa kanya kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga ito online ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Ang babaeng suspek na kinilala lamang sa alias na ‘Ikay’ ay sinasabing nakuha ang mga malalaswang larawan at video ng biktima ng kanyang hiramin ang cellphone nito.

Kalaunan, ginamit niya ang mga larawan at video sa pamba-blackmail sa kanyang pinsan sa pamamagitan ng pangangako sa biktima na hindi niya ia-upload ang mga sensitibong kuha kung siya ay magbibigay ng pera sa kanya.

Dakong alas-onse ng umaga ng Huwebes, ang batang akusado ay nahuli ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit dahil sa paglabag sa Republic Act 11940 o ang Anti-Online Sexual Abuse of Exploitation of Children at ang CSAEM na mas lalong kilala bilang Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials’ Act na nagpoprotekta sa mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation sa ilalim ng RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang batang babae ay nilagay na sa kustodya ng City Social Welfare and Development Office sa Ligao City.

Dahil sa insidente, muling pinaalalahanan ni PNP-ACG director, Brigadier General Francis M. Cariaga ang publiko na magingan sa paggamit at pagpapahiram ng kanila mga mobile phones upang makaiwas sa exploitation at online abuse.

“The most basic security measure to ensure your safety in cyberspace is to limit access of anyone in your personal devices such as your mobile phones or computer,” sinabi ng opisyal.

AUTHOR PROFILE