Huli ANYARE MGA PARE? Ang mga natyempuhan dahil sa pagsusugal at boga ng mga pulis ng Manila Police District sa iba’t-ibang lugar sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

6 laglag sa mga parak dahil sa sugal, boga

May 23, 2024 Jonjon Reyes 83 views

ARESTADO sa mga pulis ng Manila Police District ang anim na lalaki, kasama ang isang naglalaro ng cara y cruz, dahil sa pag-iingat ng baril noong Huwebes sa Asuncion St., Malate at Binondo, Manila

Kinilala ni MPD chief Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay ang isa sa mga suspek na si alyas Jeffrey, 38, ng Leveriza St., Malate ng maaktuhang may bitbit na kalibre 38 na baril.

Naaresto naman ang 5 pang lalaki na nagka-cara y cruz, ayon sa mga pulis.

Unang natimbog sina alyas Jomar, 41, at alyas Renato sa buy bust ng mga pulis ng MPD-Binondo Meisic police station 11 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Roberto Mupas bandang alas-9:00 ng gabi sa Eastwest Bank sa Binondo Manila.

Swak din sa selda ng MPD-Pandacan police station 10 sina alyas Marvin, 47, alyas Gino, 43, at alyas MJ, 54, kasama sina alyas Gio at alyas Rohel.

Bandang ala-1:00 ng madaling araw ng pagdadamputin ang tatlong lalaki.

AUTHOR PROFILE