Kisses

Kisses, ikinakampanya ang sarili sa Miss U Philippines

July 28, 2021 People's Tonight 404 views

NAGSIMULA nang ikampanya ng aktres na si Kisses Delavin ang sarili sa darating na Miss Universe PH 2021 pageant.

“Hello Universe. Vote for me, your Miss Universe Philippines delegate #66 Kirsten Danielle Delavin from Masbate in the @missuniverseph app,” saad sa caption ni Kisses sa kanyang Instagram pic ng isang headshot.

Hindi nag-iisa si Kisses sa pangangampanya para sa laban niya bilang kandidata ng Miss Universe PH.

SHOWBIZ, NAGLULUKSA

NAGLULUKSA na naman ang showbiz dahil sa pagpanaw ng aktor na si Orestes Ojeda sa edad na 65 dahil sa pancreatic cancer sa isang hospital sa Taguig City, ayon sa reports.

Hindi na kilala ng mga millennial at GenZ si Orestes pero naging in demand din siya sa movies bilang leading man gaya sa pelikulang Isang Gabi, Tatlong Babae, Ang Boyfriend Kong Baduy, Mano Po: My Home at iba pa.

Nagmarka nang husto ang pangalan niya nang gawin niya ang erotic-thriller na Scorpio Nights directed by Peque Gallaga.

Huli siyang napanood sa GMA series na Once Upon A Kiss last 2015 at hinarap na ang pagkahilig sa painting.

Anyway, kamakailan, ang impersonator naman ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee ang binawian ng buhay dahil sa sakit sa liver.

Ang aming pakikiramay… Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE