Lovi

Lovi excited sa gagawing hard action movie

May 25, 2024 Ian F. Fariñas 154 views

MALAPIT nang ma-achieve ni Lovi Poe ang matagal nang pangarap na gumawa ng isang straight hard action movie.

Ibinalita niya ito sa katatapos na renewal ng kontrata niya sa SCD (Skin Care Depot) kasama ang CEO nitong si Grace Angeles.

Ayon kay Lovi, dalawang dream projects ang magkasunod niyang gagawin pagkatapos ng Guilty Pleasure ng Regal Entertainment, Inc.

“After Guilty Pleasure, we will shoot a movie next month that I’m co-producing. Kapag complete na ang cast na lumipad dito, I hope to invite you guys para i-discuss ang next project. Hindi ko pa siya talaga puwede i-divulge until we start filming. Basta it’s going to be a film by Jerrold Tarog,” aniya.

Susundan nga ito ng action film sa ilalim ni Direk Richard Somes.

“Excited din talaga ako doon,” diin ng aktres.

Siyempre, katuwang ni Lovi sa proyektong ipo-produce ang British film producer hubby niyang si Monty Blencowe.

Suwerte umano siya kay Monty dahil “he is very supportive, we’ve been apart again for like six weeks and it’s not your typical set-up for most people, but you know what? We’re making it work. I’m just very grateful that he is very understanding and he supports whatever it is with my goals, and I would like to feel the same for him.”

AUTHOR PROFILE