Blackman

Jeraldine very effective endorser — Rhea

May 25, 2024 Ian F. Fariñas 148 views

PARA sa Beautederm president/CEO na si Rhea Anicoche-Tan, very effective endorser ang online sensation na si Jeraldine Blackman ng The Blackman Family.

Bukod kasi sa mabilis mabenta ang lahat ng i-post nitong Beautederm products sa social media, eh, maging ang socmed accounts ni Rhea, dinadagsa ng bagong followers.

Kwento ni Ms. Rhea sa katatapos na launch ni Jeraldine bilang endorser ng bagong Beautederm Three-mendous Trio (Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty, and Cristaux Vitamin C Serum), biglang lumobo ang followers niya sa Facebook mula nang ma-associate silang dalawa sa isa’t isa.

“Hindi siya madamot na super post siya about me na, aba parang ngayon lang ako literal na nakilala. I only had 200,000 followers on Facebook, nadagdagan ako ng 15,000 agad! Yes, parang, very effective siya na endorser for me talaga. Siya pa mismo ang nagsabi na ‘Manang, even my cousins are using the Jeune,’ gumaganu’n sila, ‘‘yung mga binigay mo na sabon-sabon ‘Nay, ‘yun na lang ‘yung gagamitin ko.’ Sabi ko, sige, when you get back, ayan, ta’s nagkatotoo na nga. Pero nauna talaga kaming friends online. ‘Yon,” tsika ni Ms. Rhea.

Dagdag pa niya, malaking tulong ang collaboration nila sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm dahil sa global influence ni Jeraldine.

“We’re both Ilocanas. We share the same love for family, and we both honor our roots. Jeraldine is an inspiration, especially to women. She’s authentic that’s why people love her.

“Jeraldine marks Beautéderm’s 15th anniversary. She’s the perfect influencer to do it. But it’s just the beginning. We will announce more surprises soon as part of this big milestone. We thank our consumers for their loyalty and support,” patuloy ng skincare executive.

Para naman kay Jeraldine, sobrang hanga siya sa kanyang “Ate Rhea.”

Katwiran niya, “Look at her. She’s so successful yet so humble. I know her brand is a well-loved brand here in the Philippines, and I am so excited to make content endorsing the three new products. Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas.”

Pag-amin pa ni Jeraldine, na kasal sa Australian nurse na si Josh Blackman, nagulat siya sa atensyon na nakukuha ng pamilya niya, lalo na rito sa ‘Pinas.

Milyun-milyon ang views ng Blackman Family sa TikTok at Instagram.

Kaya ayon sa kanya, gagamitin niya ang kanyang social media accounts para mai-promote ang Beautéderm sa global market.

Samantala, kasabay ng pagpapakilala kay Jeraldine bilang endorser, inanunsyo rin ni Ms. Rhea ang pagkakapili ng Beautéderm bilang skin care partner ng Bb. Pilipinas organization sa ikalawang pagkakataon.

Ibinahagi rin sa launch na ang Cristaux Retinol Serum, Cristaux Zerum Hydra-Beauty at Cristaux Vitamin C Serum ay available sa Shopee, TikTok, Lazada at Beautéderm stores nationwide.

AUTHOR PROFILE