Jane

Jane, iiwan ang ‘Probinsyano’ para sa ‘Darna’

July 28, 2021 Ian F. Fariñas 579 views

MATUTULOY na rin sa wakas ang taping ng TV series na Darna sa September kaya naman kahapon ay naglabas ng pahayag ang ABS-CBN kaugnay ng pag-alis ni Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa ngayon, tinatapos na lang umano ni Jane ang mga natitira pa niyang eksena sa FPJAP, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Capt. Lia Mante.

Parte ng pahayag ng Kapamilya management ay, “Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane De Leon at magsisimula nang mag-taping para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre.

“Mapapanood ang mas maaksyong FPJ’s Ang Probinsyano sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.”

AUTHOR PROFILE