Bigas

PBBM: RTL aamyendahan para bumaba presyo ng bigas

May 25, 2024 Chona Yu 88 views

PAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaamyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ay para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, hihikayatin niya ang mga mambabatas na baguhin ang probisyon sa RTL at payagan ang National Food Authority (NFA) na makapag-angkat ng bigas.

Makatutulong ito, ayon sa Pangulo hindi lamang sa mga magsasaka kundi maging sa mga kumukunsumo ng ,bigas.

“Kaya’t kung pagbibigyan tayo ng ating Kongreso na makapag-import na [ang NFA], makikipagsabayan na ito. Ito naman talaga ang unang [dahilan] kung bakit tinayo ang NFA,” pahayag ni Pangulong Marcos sa sidelines sa pamamahagi ng certificates of land ownership award (CLOAs) at e-titles sa mga magsasaka sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center sa Koronadal City.

Ayon sa Pangulo, ang pag-amyenda sa RTL ay isang hakbang lamang ng gobyerno para mapaganda ang buhay ng bawat Filipino.

“Marami tayong ginagawa,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Naghahanap na rin aniya ang gobyerno ng weather-proof varieties ng palay para mapataas ang produksyon nito habang ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ay magbibigay naman ng mga makinarya sa mga magsasaka.

AUTHOR PROFILE