Chiz

SP Chiz: Voting sa Divorce bill base sa konsensya, paniniwala

May 25, 2024 PS Jun M. Sarmiento 82 views

BASE sa konsensya at paniniwala ng sinumang boboto ang pagboto sa Senado sa isyu ng divorce, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ayon sa kanya, hindi dapat gawin na minorya o mayorya sa Senado ang botohan sa isyu ng divorce kundi dapat nakasandal ito sa paniniwala at konsensya ng sinuman boboto kung dapat ipasa o hindi.

Naiulat kamakailan na nakakuha ng matinding suporta ang divorce bill sa Kongreso.

Base sa pag aaral, maraming Pilipino ang suportado ang pagpasa ng diborsyo sa Pilipinas dahil tanging ang PIlipinas na lang sa buong Asia ang walang diborsyo.

Matapos tanunging si Escudero kung ano ang kanyang personal na paniniwala sa isyu ng Diborsyo, sinabi niya na supisyente na ang annulment pero aminado siyang dapat magkaroon ng kaluwagan dito at dapat gawing simple para sa magkabilang partido.

“Wala akong balak diinan dito sa Senado ang divorce. Nais kong palawakin at gawin na affordable sa sinuman nagnanais nito ang kasalukuyan annulment,” ayon sa kanya.

Ikinatuwiran din ni Escudero na ang isang rason kung bakit marami sa mga kababayan natin ang nais itulak ang diborsyo bunga ng kamahalan sa gastos sa pagpapa-annul ng kasal.

Ang reaksyon ni Escudero ay matapos makakuha sa Mababang Kapulungan ng sapat na suporta and panukalang dibosyo sa ilalim ng House Bill No. 9349.

Ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros, dapat lang bigyan ng kalayaan ang magkabilang panig sa pamamagitang ng pagpasa ng panukalang diborsyo sa PIlipinas.

Si Hontiveros, ang may akda ng diborsyo sa Senado at siya rin chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, naniniwalang ito ang nagiging ugat ng pang aabuso sa loob ng tahanan ng mag asawa na wala ng matatawag na relasyon at respeto sa isa’t-isa.

Sinabi ni Hontiveros na isang katotohanan ang hindi maikakaila na maraming mga babae ang halos mapatay na kanilang kabiyak dahil walang karapatan ang sinuman sa kanila na makakawala sa isang pagsasamang punong puno na ng pait at galit.

Ipinunto rin ni Hontiveros na hindi lang ang mag asawa ang apektado sa sitwasyon kundi ang kanila ring mga anak na naiipit at nagiging biktima ng pait at galit ng kanilang magulang na siya rin sumasaksi sa walang tigil na away at kadalasan nauuwi sa pananakit sa isa’t-isa.