Kathryn

Kathryn, binigyan ng kalayaan ng ina

March 28, 2022 Vinia Vivar 151 views

Ang daming na-touch sa napakagandang birthday message kay Kathryn Benardo ng kanyang inang si Mommy Min Bernardo.

Kathryn celebrated her 26th birthday last Saturday, March 26, sa isang beach kasama ang ilang mga kaibigan and, of course, ang long-time boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Mommy Min ng video ng mga larawan ni Kathryn mula pa noong baby hanggang sa lumalaki ito.

Sa caption ay hindi maiwasang maging sentimental ni Mommy Min. Aniya ay malalaki na ang lahat ng kanyang anak at nagpapasalamat na maayos ang buhay ng mga ito.

“Bilang isang magulang nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings na binigay ni Lord mula sa pagkakaroon ng maalwan na buhay, maayos na kalusugan, mababait at maaayos na career ng mga anak.

“Ano pa nga ba ang hihilingin ko? Wala na, ’di ba? Kaya lang dumadating ang time na nalulungkot ako, longing for my kids, may nasa malayo at may nasa tabi mo lang, pero still parang ang layu layo nila.

“Dati nung maliliit pa ang mga bata, kahit san ka pumunta, nandyan sila humahabol, gustong sumama, ayaw mahiwalay sa iyong tabi but now, big and grown up na, they have their own priorities, responsibilities, and decision in life.

“Naaalala ko ang sabi ng Nanay ko, sana di na lang kami lumaki… now gets ko na ang ibig niyang sabihin…” Mommy Min wrote.

Kasunod nito ay ipinahayag niyag binibigyan na niya ng kalayaan si Kathryn ngayong 26 na ito.

“Here, another kid is getting older and want freedom?? My bunso is not baby anymore??

“Kath, on your 26 years in this world, you achieved a lot, you work hard and naging mabait na anak, kapatid at kaibigan. Sana kahit i gave your freedom, dont forget to learn and accept words of advice and be wise in making decisions.

“Stay being sweet and caring, be true to yourself always… dyan ka minahal ng totoong mga kaibigan na nakapaligid sayo… MALIGAYANG KAARAWAN, anak,” ang mensahe ni Mommy Min sa bunsong anak.

Just wondering kung anong kalayaan ang ibig sabihin ni Mommy Min. Magso-solo living na kaya si Kathryn? Mag-aasawa na kaya?

May nakapansin nga ring netizen at komento niya, “tita parang ikakasal na siya sa message mo.”

BIKINI SHOWDOWN

Bilang summer na, muling sasabak si Sanya Lopez at mga female cast ng First Lady sa bikini showdown kung saan ay rarampa sila suot ang kanilang pinaka-seksing swimsuit.

Nagpasilip na nga ang GMA-7 at naglabas na ng ilang mga larawan sa kaabang-abang na episode.

Makikita sa mga photo sina Sanya, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista, Cai Cortez, Analyn Barro, Cassy Legaspi at Alice Dixson na kanya-kanyang pose sa kani-kanilang swimsuit.

Sa isang larawan ay makikita nga na masayang magkasama sina Sanya at Alice. At dahil magkaribal sila sa serye (bilang Melody and Ingrid, respectively), for sure ay sila ang talagang magbabanggaan sa bikini showdown episode na malapit nang mapanood.

Matatandaang last year, sa First Yaya, prequel ng First Lady, nagkaroon na rin sila ng bikini showdown. Sina Sanya at Maxine naman noon ang nagkabugan bilang sila ang magkatunggali sa puso ni Glenn (Gabby Concepcion).

Ang First Lady ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE