Dimples

Dimples lalaki ang magiging anak

March 28, 2022 Aster Amoyo 188 views

Dimples1LAST Sunday, March 27 nagkaroon ng gender reveal ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan tulad ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, ang couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz, ang magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles, Sue Ramirez, Janus del Prado, Miko Raval (na siyang gumaganap na mister ni Dimples sa ongoing primetime TV series na “Viral Scandal”), Miles Ocampo, Domnic Ochoa, Adrian Lindayag, Aljon Mendoza, Karina Bautista at iba pa.

It turned out na boy muli ang magiging third child ng mag-asawang Dimples at Boyet.

Dimples is due to give birth sometime in July this year. Six months na ngayon ang kanyang ipinabubuntis.

It was only last March 18 nang ibahagi ng Kapamilya actress-entrepreneur at vlogger na siya’y buntis sa kanyang ikatlong anak with her non-showbiz husband of 18 years. The couple got married mung June 15, 2003 at 18 years old na ang kanilang panganay na si Callie (who is flying to Australia para doon mag-aral ng pagiging piloto) habang seven naman ang kanilang second child na si Alonzo.

Since malalaki na ang kanilang dalawang anak (with 11 years age gap), never nang nag-expect ang aktres na siya’y mabubuntis muli.

Since busy si Dimples, hindi niya nakuhang magpa-check-up nang maaga at ginawa lang niya ang kanyang normal daily grind without her knowing na meron na palang isang buhay sa kanyang tiyan.

Mixed emotions ang naramdaman ni Dimples nang makumpirma niyang siya’y buntis sa pangatlong magiging anak nila ni Boyet na kinu-consider nilang panibagong blessing.

KDLexKDLex may TV series na

ALTHOUGH wala pang label ang relasyon nina Alexa Ilacad at KD Estrada na bumubuo ng KDLex loveteam, marami ang naniniwala na may unawaan na ang dalawa. Ang pagkakaibigan ng dalawa ay nagsimula sa loob ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 kung saan pareho naging housemates ang dalawa.

Sa loob pa lamang ng PBB house ay nakitaan na ang dalawa ng pagiging malapit sa isa’t isa dahil sa kanilang common interest sas musika. Ito’y kanilang ipinagpatuloy sa labas ng PBB house hanggang mabuo hindi lamang ang kanilang closeness sa isa’t isa kundi maging ang kanilang pagiging loveteam na meron nang strong following ngayon. Ito rin ang nagtulak sa Dreamscape Entertainment na pangunahan ng dalawa ang isang bagong serye na pinamagatang “Run To Me” na pamamahalaan ni Dwein Ruedas Baltazar.

Samantala, to the rescue si KD kay Alexa nang maging biktima ito ng body shaming mula sa isang netizen.

MateoMga aso ang itinuturing na anak nina Sarah at Matteo

MUKHANG wala pa sa immediate plans ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang pagkakaroon ng baby dahil ini-enjoy pa nila ang isa’t isa. Ang nagsisilbi nilang mga anak ay ang kanilang fur babies na kasa-kasama nila sa kanilang pamamasyal sa iba’t ibang lugar.

Ang singer-actor, entrepreneur at athlete na si Matteo ay dinadala ang kanyang misis sa iba’t ibang nature trip na ini-enjoy naman ng pop superstar.

Just recently, nag-horseback-riding ang mag-asawa in Tanay, Rizal. The couple rented a place in Casa Balario bitbit ang kanilang fur babies at sobra silang nag-enjoy sa nasabing lugar.

Matteo turned 32 last March 26 at pinasalamatan niya si Sarah, his family and friends na hindi nakalimot sa kanyang kaarawan.

Sarah and Matteo celebrated their second anniversary bilang mag-asawa last February 20, 2022.

Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat, marami ang naghihintay na fans ng dalawa sa muli nilang pagtatambal sa isang movie or concert lalupa’t pareho naman silang nasa pangangalaga ng Viva. Maganda rin siguro kung magkakaroon ng duet song ang dalawa.

KeithPamilya ni Keith nasa Pilipinas na

ANG fourteen-year-old na anak ng namayapang American singer-songwriter at record producer na si Keith Martin sa kanyang Filipina ex-wife ang nakipag-ugnayan sa pamilya ni Keith sa Amerika. Na-autopsy na rin ang bangkay ng singer-songwriter matapos itong matagpuang wala nang buhay nung nakaraang Biyernes, March 25 sa tinutuluyan nitong condo unit sa may Libis, Quezon City. Napag-alaman na may ilang araw na umanong patay si Keith matapos magreklamo ang mga kapitbahay sa condo ng masangsang amoy na nagmula umano sa unit ng namayapang singer-songwriter.

Ang QCPD ay nakipag-ugnayan sa pamilya ng namayapa maging sa U.S. Embassy in Manila. Dumating na rin umano sa bansa ang pamilya ni Keith.

Ayon sa Quezon City Police Department na siyang may hawak ng kaso, wala umano silang nakitang forcible entry sa unit ng American singer-songwriter pero hinihintay pa rin nila ang resulta ng autopsy report.

Napamahal kay Keith ang Pilipinas kaya ito nag-desisyon na rito na mamirmihan. Marami rin siyang naging kaibigan na kapwa niya singer and composed songs for and have collaborated with them. Nagsilbi rin siyang voice and music coach sa mga baguhang Filipino singers. Ang R&B singer-songwriter na si Kyla re-made his song “Because of You” in 2004. Halos lahat ng mga kilalang OPM artists and songwriters ay naging kaibigan na rin ni Keith.

Jhong biggest achievement ang pagiging ama

DANCER-turned actor-host and politician na si Jhong Hilario ay kinu-consider na greatest achievement umano niya ay fatherhood magmula nang isilang ang kanyang first child (sa kanyang longtime partner na si Maia Leviste Lozores) na si Sarina Oceana na isinilang nung March 27, 2021. Ang kanyang first baby ang dahilan kung bakit pansamantala siyang nag-leave bilang isa sa hosts ng noontime show na “It’s Showtime” dahil gusto niyang ma-protektahan ang anak sa Covid-19 na siya ring ginawa ng isa rin sa mga hosts ng programa na si Anne Curtis na hindi pa rin bumabalik sa programa hanggang ngayon.

Last March 27 ay ipinagdiwang nina Jhong at Maia ang first birthday ni Sarina na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

Tulad ni Anne, inaabangan din ang pagbabalik ni Jhong sa “It’s Showtime”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE