Kathniel

KathNiel may mensahe pa rin ng pagmamahal sa isa’t isa

December 1, 2023 Aster Amoyo 212 views

Kathniel1LAMAN ngayon ng mga balita ang pagkumpirma ng kanilang break-up ng longtime sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na umabot din ng mahigit 11 taon ang relasyon.

Bukod sa kanilang respective families and friends, sobrang apektado ang KathNiel fans sa hindi inaasahang paghihiwalay ng dating magkasintahan na inasahang mauuwi sa kasalan in a couple of years.

Ang relasyon ng dalawa ay nagsimula nang sila’y magsama sa hit TV series na “Princess and I” na nagsimula nung 2012.

Ang (dating) magkasintahan na rin ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan sa kanilang respective IG accounts na mahigit isang buwan na ring pinagpipiyestahan ng netizens at ng publiko.

Sa IG account ni Kathryn (27) ay isang lumang picture nila ni DJ (Daniel) ang kanyang pinost kasama ng isang maiksing mensahe.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding.”

Sa isang hiwalay na post ni Kathryn sa kanyang IG account ay meron din siyang message.

“I’ve been in showbiz for almost 21 years now, 12 years as the one-half of Kathniel, and 11 years as someone who loved Deej even behind the camera.

I didn’t grow up in this industry constantly being controlled and dictated on. I was lucky to have had the best guidance and support system when I started my career and I’ve continuously worked hard to earn people’s trust. But since I became an adult, I took it upon myself to take charge of my own life—the projects I work on, the way I dress, the people I surround myself with, I’ve always tried to be my own person. I was encouraged to think for myself and decide for myself. Even when it comes to love. Especially when it comes to love,” pagbabahagi ni Kathryn.

Nagbahagi rin si Daniel sa kanyang IG account ng malungkot na mensahe.

“11 years. Pag-ibig. Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal,” aniya.

“Ang mahalin ka at mahalin mo. Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging Liwanag sa mga madidilim kong araw.”

Kung pagbabasehan ang magkahiwalay na mensahe ng dating magkasintahan, naroon pa rin ang kanilang pagmamahal at respeto para sa isa’t isa at masakit sa kanilang dalawa ang kanilang naging desisyon na maghiwalay.

Samantala, vindicated ang mga kasamahan nating sina Ogie Diaz at Cristy Fermin na siyang unang nagbalita sa hiwalayan ng dalawa.

Julio inabot ng heart attack sa Amerika

JulioNAG-TEXT sa amin ang veteran actor na si Julio Diaz na siya’y nagka-mild stroke sa Amerika kung saan siya ngayon nagbabakasyon para dalawin ang kanyang ina at kapatid.

Nasa loob pa rin ng pagamutan si Julio at nagpapagaling sa procedure na ginawa sa kanya.

Ang actor ay sumailalim ng balloon angioplasty and stent procedures para matanggal ang bara sa kanyang artery at mag-improve ang blood flow patungo sa kanyang puso.

Habang nagpapagaling sa isang pagamutan sa Amerika, pinagbawalan si Julio ng doctor na mag-travel by air hangga’t hindi pa siya lubusang magaling at bawal din siyang magbuhat.

Itinuturing ni Julio na pangalawang buhay na niya ang kanyang recent mild stroke matapos siyang maoperahan sa brain for aneurysm nung 2016 which he considered a miracle. Bukod sa Diyos, utang na loob din niya ito sa kanyang mga kasamahan sa industriya na siyang nagtulung-tulong to finance his operation hanggang sa kanyang tuluyang paggaling.

Aneurysm ang ikinamatay ng singer-actress na si Isabel Granada in Doha, Qatar nung November 4, 2017 at ito rin ang kumitil ng buhay ng singer na si Jovit Baldivino habang ito’y nagtatanghal sa isang Christmas party in Batangas nung December 3, 2022, about a year ago.

Si Julio ay bahagi ng tumatakbong top-rating action-drama series on ABS-CBN, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring creative head, co-director at co-producer ng serye.

Malaki rin ang utang na loob niya kay Coco na parating tumutulong sa kanya kahit nung panahong nasa loob siya ng kulungan na may kinalaman sa droga.

Masuwerte rin si Julio na sa Amerika nangyari ang pagkaka-mild stroke niya which is an emergency case kaya wala umanong bayad ang whole hospitalization niya including medicines dahil sagot ito ng social welfare ng America. Kung nangyari umano ito sa Pilipinas ay tiyak na milyon ang gastos.

Nung nakaraang November 15 lumipad patungong Amerika si Julio. Nasa bahay umano siya ng pinsan niyang si Jocelyn kung saan ito may bisitang doctor. Naikwento niya na nakakaramdam umano siya ng heart burn at sinabi ng doctor na baka heart attack na `yon. He was brought to San Joaquin General Hospital in California, USA and true enough, he was diagnosed of mild heart attack. Sa loob ng isang linggo ay na-confine siya sa nasabing pagamutan where a series of examinations were made and discovered na may bara na pala ang kanyang puso. He was transferred to St. Joseph Hospital ng San Joaquin county kung saan siya sumailalim ng balloon angioplasty and stent procedures and he was attended to ng isang Indian-American heart specialist na si Dr. Dharawat. Hindi na siya dumating sa punto na kailangang sumailalim ng open heart operation or heart bypass operation.

The 65-year-old veteran actor believes na may purpose ang Diyos kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa siya.

He was hospitalized last November 24 at hanggang ngayon ay naroon pa rin at nagpapagaling.

“I thank God dahil lagi niya ako nililigtas maging sa gastusin,” pahayag ni Julio.

“Kung sa Pilipinas ang kaganapang ito, malamang milyon ang usapang ito ng sakit ko. Now, I am again a brand new person…God is always good!’ deklara niya.

Heaven ina ang dahilan ng pagsisikap

HeavenHeaven1Heaven2ANG 24-year-old former Pinoy Big Brother housemate-turned singer and award-winning actress was recently launched as 2024 Ginebra San Miguel Calendar Girl following her co-Viva star Yassi Pressman as 2023 GSM Calendar Girl.

Ang grand launch reveal ng GSM was held at the grand ballroom ng The Westin Manila in Ortigas, Pasig City nung nakaraang Huwebes ng gabi.

“The Rain in Espana” and “Nanahimik ang Gabi” star and award-winning actress is slowly reaping her success matapos siyang lumabas ng Bahay ni Kuya nung 2016.

Although wala pang pag-amin na nagmumula kay Heaven maging sa co-Viva actor niyang si Marco Gallo, marami ang naniniwala na may relasyon na ang dalawa na na-develop nang sila’y magsama sa successful series adaptation ng hit university novel na “The Rain in Espana” ni Gwy Saludes.

This year ay dalawang Best Actress awards ang kanyang tinanggap para sa kanyang 2022 MMFF movie, ang “Nanahimik ang Gabi” mula sa 39th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines na sinundan ng Asian Academy Creative Awards. Nominado rin siya sa nakaraang The Eddys awards ng Society of Philippine Entertainment Editors at may nagbulong sa amin na slim lang ang pagitan niya sa mga nanalong sina Janine Gutierrez at Max Eigenmann.

Heaven is working so hard not only for herself kundi laluna na sa kanyang inang si Shiela Luanne Peralejo na isang cancer survivor.

Her mom is her best friend. Ang mommy niya ang dahilan kung bakit siya sumali noong 2016 sa reality show na “Pinoy Big Brother: Lucky 7” para makatulong sa kanyang medication at ito rin ang dahilan kung bakit nag-voluntary exit siya sa PBB house siya para samahan ang ina sa pakikipaglaban nito sa sakit.

Dahil sa pagiging mabuting anak ni Heaven ay sunud-sunod namang biyaya ang patuloy na dumarating sa kanya ngayon.

Bukod sa pagiging Calendar ng GSM sa 2024, looking forward din ang singer-actress to a busier year ahead sa tulong ng kanyang mother studio, ang Viva. May dalawa rin siyang bagong movies na malamang na sa 2024 na maipalabas, ang “Fruitcake” which was originally intended for the 2023 Metro Manila Film Festival at ang “The Fisher”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE