Kathniel

Romnick, walang kakampihan sa KathNiel

December 1, 2023 Vinia Vivar 206 views

Tulad ng ibang artistang malapit kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ikinalungkot din ni Romnick Sarmenta ang breakup ng dalawa.

Nakausap ng entertainment press si Romnick sa debut party ng anak niyang si Bo Bautista last Thursday night, ilang oras matapos kumpirmahin ng KathNiel ang kanilang breakup.

Ayon sa aktor, parang anak na niya ang KathNiel na nakasama niya sa dalawang serye, ang La Luna Sangre in 2017 at 2 Good 2 be True last year.

“You know, that’s sad. As other people would think, it’s probably heartbreaking. To me, they’re like my kids, sincerely,” ani Romnick sa panayam ni MJ Felipe.

“I’ve worked with a lot of people, but these two have endeared themselves to me in a way that I didn’t think was possible in this industry. Only because they are genuinely sincere people,” he added.

Ayon pa kay Romnick, nasaktan siya para sa dalawa.

“I feel hurt in a way a father would feel hurt about his daughter or his son, kasi pareho silang mabait eh. And forgive me if I have a comment, but my comment is coming from a father.”

Sinabi rin ng aktor na wala siyang kakampihan sa dalawa pero pareho niyang kakampi ang mga ito.

“Parang tingin ko sa kanila mga anak ko, they’re just so wonderful. Kaya it’s safe to say na wala akong kakampihan pero pareho nila akong kakampi. I love them both,” sey niya.

Ipinahayag din niya na anuman ang pinagdadaanan ngayon nina DJ and Kath ay nandito lang siya parati para sa mga ito.

“Whatever it is that they’re going thru, whether this turns out to be one of those humps or it turns out to be life changing in any way, I just want them to know that ako siguro ‘yung isa sa mga taong pwede nilang makatabi na wala silang dapat ikwento and I would still care for the both of them the same way,” he said.

Samantala, ginanap ang bonggang 18th birthday party ni Bo sa Sofitel Hotel. Of course, bilang ama ay si Romnick ang first dance ng dalaga.

AUTHOR PROFILE