Tonton

Tonton, sumumpa na walang alam sa isyung hiwalayan nina Richard at Sarah

December 1, 2023 Vinia Vivar 155 views

“Wala talaga akong alam,” ang pahayag ni Tonton Gutierrez tungkol sa hiwalayan issue ng kapatid niyang si Richard Gutierrez at misis nitong si Sarah Lahbati

Napag-usapan ito sa grand mediacon ng family drama movie na Unspoken Letters kung saan ay isa sa cast ang aktor.

Nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya kapag may showbiz couples na naghihiwalay dahil isa sa pinakamatatag ang sa kanila ni Glydel Mercado, nakangiting balik-tanong ni Tonton,

“Teka, leading na ba ‘to sa aking kapatid?”

“Kung gusto mong tumbukin ‘yung tungkol kay Richard at kay Sarah, sa totoo lang, wala talaga akong alam. Nagkasama kami ni Richard nu’ng binyagan ‘yung anak ng kapatid namin na si Rocky, hindi namin napag-usapan, hindi ko siya tinanong. I gave him that respect,” pahayag ni Tonton.

“So, I have no idea kung meron mang hiwalayan whatsoever,” he added.

Sinabi nga rin daw sa kanya ni Glydel ang lumalabas na issue kina Richard at Sarah.

“Sabi ko, hindi ko alam, eh. So, si Glydel was there also, hindi naman namin tinanong. Wala kaming tinanong sa isa’t isa kahit sa mga kapatid namin, ‘o, totoo ba, si Richard…’ wala. Respeto,” he said.

Samantala, magkasama sina Tonton at Glydel sa Unspoken Letters at nakakatuwa ang kanilang role dahil mag-ina sila.

Si Glydel ang nanay ni Tonton sa movie na idinirehe nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico. Kung paano ito nangyari ay panoorin n’yo na lang sa Dec. 13 sa mga sinehan handog ng Utmost Creatives.

Tampok din ang award-winning teen actress na si Jhassy Busran at sina MJ Manuel at Christine Samson with veteran actors Gladys Reyes, Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez at iba pa.

AUTHOR PROFILE