Heaven

Heaven, 2024 Ginebra Calendar Girl

December 1, 2023 Ian F. Fariñas 237 views

PORMAL nang inilunsad si Heaven Peralejo bilang Ginebra Calendar Girl 2024 nitong Huwebes ng gabi sa Westin Manila Hotel.

Seksing-seksi ngang rumampa ang Viva Artists Agency (VAA) talent sa harap ng press people at event guests habang hawak ang iba’t ibang Ginebra products.

Sa interview ng host na si Paolo Abrera, inamin ni Heaven na sa lahat ng Ginebra drinks, Gin bilog ang paborito niya.

Ayon sa Luna best actress awardee (para sa Nanahimik ang Gabi), Gin bilog ang kauna-unahang alak na ininom niya noong 18 years old siya.

Kwento ng aktres, “’Yung first drink ko when I turned 18 was Gin bilog. Gin bilog talaga! Every celebration that I go to and have, Gin bilog. So ako, my favorite is Gin bilog. Super strong. Diretso na agad! Hahaha!”

Ang kanyang rising star power at influence sa younger generation ang mga rason kung bakit perfect choice si Heaven para maging Ginebra 2024 Calendar Girl.

Pangako naman ng aktres, “All I can say is I’m very grateful for them picking me kasi we think we also have the same values and I do believe na I won’t let them down.”

AUTHOR PROFILE