Marian

Bagong endorsement ni Marian, aprub sa netizens

December 1, 2023 Ian F. Fariñas 144 views

MAY bagong endorsement na naman ang binansagang “Endorsement Queen” na si Marian Rivera.

Nitong Huwebes ng gabi ay ipinakilala ang Kapuso Primetime Queen bilang bagong ambassador ng Kleenfant, isang brand ng baby products, sa isang magarbong advance Christmas gathering sa Veranda Hall ng Oasis Manila.

“Maraming nagsasabi sa akin na ang ganda-ganda raw ng Kleenfant so parang nakakataba ng puso na everytime na ginagamit nila, sine-send ko sa kanila, kasi sobrang realistic na sine-send lang na wala lang, hindi para sabihin na Marian ginagamit ko ‘yung product mo. No. Parang nagte-testimonial sila na maganda ‘yung produkto na ginagamit nila. So from there, sabi ko nakaka-proud na maging endorser ng Kleenfant kasi bukod sa affordable, ‘yung quality maganda. So nakaka-proud,” ani Marian sa feedback ng netizens.

Ayon naman sa brand owners, perfect at dream come true ang maging endorser si Marian. Kabilang sa mga produkto ng Kleenfant ang Cleansing Wipes, Taped at Pants Diapers, Home Care line, atbp.

Bukod kay Marian, kilalang Kleenfant users din ang iba pang celebrities tulad nina Mark Herras, Danica Sotto-Pingris, Winwyn Marquez at Rita Daniela.

AUTHOR PROFILE