Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 1, 2023 People's Tonight 123 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4SUMASABAY sa paningningan ang pangalan na ‘Scarlette’ sa mundo ng social media partikular na sa platform na TikTok kung saan masasabing epektibo ang kanyang mga content dahil sa pataas na pataas niyang mga tagasubaybay.

Si Scarlette Nichole Depano o kung minsan ay kilala ng kanyang social media followers bilang “Scarlettfox” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 51 thousand followers at higit 610 thousand likes sa kanyang account na may username na @scrixthzy. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username ring @scrixthzy, na mayroon nang halos seven thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos seven thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pasayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa paggawa ng lip syncing at dance contents, marami ring ine-endorse na produkto si Scarlette mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Scarlette sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE