Default Thumbnail

Helper nakuryente sa loob ng deep well, patay

July 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 179 views

PATAY ang isang helper matapos makuryente habang nasa loob ng deep well nitong Linggo sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Rogel Fayloga, residente ng Barangay Abaca, Bangui, Ilocos Norte.

Batay sa ulat ng PNP, ang insidente ay naganap sa Barangay Pancian, Pagudpud.

May inaayos umano ang biktima sa loob ng deep well nang aksidenteng mahawakan nito ang wire ng submersible pump at maluryente.

Nadala pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.