Sunog File photo ni JONJON C. REYES

Batangueño nakipagtalo ukol sa sunog, dinedo

May 22, 2024 Jojo C. Magsombol 75 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Patay ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng kapitbahay dahil sa naganap na sunog sa Brgy. Balagtas, Batangas City, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte.

Ang biktima ay kinilalang si Alyas Nany, ayon sa Batangas City police.

Alas-10:50 ng umaga nang ireport ang insidente sa mga otoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:30 ng umaga nang natagpuang wala ng buhay si Alyas Nany ng kapitbahay.

Ang biktima ay nakitang nakahandusay sa terrace ng kanyang bahay sa Balagtas na may saksak sa kaliwang dibdib.

Sa pangunguna ni P/Capt. Ragemer D Hermidilla na agarang nagresponde, napag-alaman na ang suspek ay kinilalang si Alyas Fernando na boluntaryong sumuko sa isang opisyal ng Brgy. Balagtas.

Sa salaysay, umamin ang suspek na sinaksak niya ang biktima gamit ang maliit na bolo matapos ang kanilang mainitang pagtatalo hinggil sa sunog sa damo sa kanilang lugar.

Hiniling ang tulong ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) technician para sa teknikal na imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE