Ama Source: Sto Tomas PNP Batangas FB

Ama sinasaktan batang anak habang hawak ang baril, tiklo

May 22, 2024 Gil Aman 108 views

ARESTADO ang isang ama matapos umano saktan ang babaeng anak na menor de edad na anak habang hawak ang kanyang baril sa NIA Road, Bgy. Tagapo, Sta Rosa City. Laguna.

Kinilala ni P/Lt T. Col. Dwight Fonte,hepe ng Sta Rosa police ang suspek na si Alyas Wilfredo.

Ayon sa investigator ng WCPC, ang insidente ay inireport sa mga otoridad ng nakatatandang kapatid ng biktima.

Sinabi ng testigo na nitong Martes ay tinakot at sinaktan ng kanilang ama ang kanyang nakakabatang kapatid nitong Martes.

Kabilang sa nabawi ng pulisya sa suspek ang isang improvised shotgun, 22 caliber revolver kasama mga bala nito, airgun at oxygen tanks.

Nakakulong na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE