Default Thumbnail

10,652 pamilya na apektado ng bulkang Mayon — NDRRMC

July 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 158 views

UMABOT na sa 10,652 pamilya na katumbas ng 41,517 katao ang naapektuhan ng tuloy-tuloy na paga-alburuto ng bulkang Mayon mula sa 26 barangays sa Albay.

Batay sa update na inilabas ng Natioanal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, nasa 18,751 katao o 5,365 pamilya ang nanatili pa rin sa 28 evacuation centers sa Bicol Region habang nasa 1,427 katao o 408 pamilya ang mas pinuling manirahan sa labas ng evacuation centers.

Umabot na din sa P130.5 milyong halaga ng tulong ang naibigay ng gobyerno sa Bicol Region para sa mga apektadong residente.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) umabot sa 397 rockfall events ang naitala sa loob ng 24-oras.

Dakong 5:00 am nitong Linggo umabot din sa apat na volcanic earthquakes at dalawang dome collapse pyroclastic density current events ang naiulat ng Phivolcs.

Nanantiling nasa alert level 3 ang paligid ng bulkan kung saan umabot na saa 2.7 meter ang lava na ibinubuga nito mula sa kanyang crater hanggang sa Mi-isi Gully.

Nasa 1.3 kilomentro ang naabot ng lava flow mula sa Bonga Gully. Mayroon ding lava collapse na aabot sa 3.3 kilometro hanggang 4 na kilometro sa Basud Gully.

Nagbuga din ang bulkan ng 1,500 metrong taas ng makapal na usok at nakapaglabas ng 864 tonelada ng sulfux dioxide flux nitong Sabado.