Perez

Ganiel nag-resign sa Miss World Philippines para bumalik bilang reporter

October 6, 2021 Aster Amoyo 443 views

PerezMATAPOS madeklara ang Cebuana beauty na si Tracy Maureen Perez as the 2021 Miss World Philippines at ang ibang winners including beauty queen-journalist and TV entertainment reporter, ang Filipino-Indian na si Ganiel Krishnan na siyang nanalong 2nd Princess, two days later ay nagsumite ang huli ng kanyang resignation sa Miss World Organization Philippines na pinamumunuan ng businessman at talent manager na si Arnold Vegafria dahil gusto umano niyang bumalik at mag-focus sa kanyang trabaho bilang journalist and entertainment news reporter sa bakuran ng ABS-CBN.

“I regret to inform you of my decision to relinquish my Miss World Philippines Second Princess 2021 title and consequently resign from the Miss World Organization effective immediately.

“As you very well know, I have a thriving career as a lifestyle and entertainment news reporter in ABS-CBN before I entered the competition and have never kept my intentions to go back to it a secret, regardless of the outcome of the pageant.

“While I am deeply honored to have been named a Princess in this year’s MWP search, my contractual obligations with the network will not allow me to serve two masters. Realizing this led me into making a decision to pursue the dream which will have the greater impact of actually serving my fellow Filipinos and that is through broadcasting.

“I wish to thank you, Mr. Arnold L. Vegafria, as well as the entire MWP Organization, for taking good care of us…I also wish my queen sisters the best of luck in their respective endeavors in the future.

“I truly am gratelul to have joined Miss World Philippines 2021, which also marks my last foray into the world of pageantry. It was one big learning experience for me which, I know will help me score even greater triumphs in the future.”

Ito ang nilalaman ng resignation letter ni Ganiel na kanyang ipinadala sa tanggapan ni Arnold Vegafria, ang national director ng Miss World Philippines Organization.

Ngayong tapos na ang coronation night ng 2021 Miss World Philippines, balik na ang 27-year-old na si Ganiel sa kanyang paghahatid ng entertainment news sa “TV Patrol”.

Tribute to health workers not a political campaign tool

PERSONAL na pinabulaaan ng prominent doctor, YouTuber at Vice-Presidentiable na si Dr. Willie Ong na ang musical stage play na “I Will: The Musical” na pinangungunahan ng singer-actor na si Gerald Santos ay magsisilbi niyang political campaign tool matapos siyang mag-file ng kanyang COC (certificate of candidacy) along with Presidentiable Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa kilalang doctor, about two weeks lamang umano siyang nag-desisyon na tumakbo sa pagka-Vice-President matapos siyang kausapin nang masinsinan ni Mayor Isko pero ang “I Will: The Musical “ ay tapos nang gawin bago pa man umano siya mag-desisyon na muling pasukin ang pulitika. In 2019, he run for senator but lost.

Nung isang taon ay ginawa ang “I Will: The Movie” na pinagbidahan ni Hero Angeles base sa buhay ni Dr. Willie Ong. Matapos nitong mapanood ang “Pedro Calungsod: The Musical” nung isang taon ay saka ito nag-desisyon na gawin ding musical ang “I Will: The Musical” na matutunghayan sa ktx.ph sa darating na Oktubre 16 bilang tribute sa mga health worker.

Bukod kay Gerald, tampok din sa “I Will: The Musical” sina Pauline Yeung at stage veterans na sina Robert Sena, Ima Castro at Bo Cerrudo kasama ang ensemble of other actors. Ito’y mula sa direksyon ni Rommel Ramilo na siya ring tumatayong co-musical director along with Tony Ramos. Rommel composed all the 24 original songs na kinanta sa nasabing musical play.

Gerald rose to fame nang siya’y tanghaling grand champion ng ikalawang season ng “Pinoy Pop Superstar” reality singing competition ng GMA in 2006. He also recorded several albums under GMA Records. He played the role of Thuy in “Miss Saigon” UK-International tour from 2017 to 2019. Naging bahagi rin siya ng musical play na “Sweeney Todd”. Naging bahagi rin noon ang singer-actor sa Sunday musical variety show ng GMA, ang “SOP Rules”.

Matapos tanghaling kampeon si Gerald sa “Pinoy Pop Superstar: Season 2,” he was signed up to a five-year contract with GMA at pagkatapos nito ay naging bahagi rin siya ng TV5 at Star Music ng ABS-CBN.

Si Gerald ay pangalawa sa limang anak ng kanyang parents na parehong nagtrabaho sa fish port ng Navotas. At an early age ay nakakitaan na siya ng talent sa pagkanta kaya nasa elementary grade pa lamang ay mahilig na siyang magsasali sa iba’t ibang amateur singing contests hindi lamang sa loob ng Metro Manila kundi maging sa ibang karatig lugar including Laguna and Bulacan.

Nasa high school na siya nang mag-desisyon siyang mag-audition for “Pinoy Pop Superstar: Season 2” when he was 15 years old.

Over at GMA, naging bahagi rin siya ng TV series na “I Luv New York” at naging co-host ng QTV’s “Popstar Kids” in 2006.

Si Gerald ay co-star sa pelikulang “Deception,” ang reunion movie ng dating mag-sweetheart na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan at co-produced ng Viva Films at Borracho Films.

KylieAJ at Aljur nali-link sa isa’t isa

IT was April this year nang tahimik na maghiwalay ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla (anak ni Robin Padilla) pero nitong July lamang nabulgar ang hiwalayan ng (dating) couple nang si Robin na mismo ang magkumpirma nito.

Recently ay nali-link ang actor sa Viva sexy star na si AJ Raval, anak ng dating action star na si Jeric Raval at hindi naman ito itatago ng aktres. Nagkalapit ang dalawa sa pelikulang “Nerisa” na pinagbidahan ng dating beauty queen at “Adan” star na si Cindy Miranda.

Pero agad klinaro ni AJ na wala pa umano silang relasyon ni Aljur kundi nasa stage pa lamang umano sila ng getting to know each other at hindi pa umano siya handa na agad pumasok sa isang panibagong relasyon lalupa’t bago pa lamang silang nagkahiwalay ng kanyang ex-boyfriend, ang actor na si Axel Torres.

Si Aljur ay may dalawang anak na parehong lalake sa kanyang ex-wife na si Kylie na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Si AJ ay ipinakilala ng Viva sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na siyang pambuena mano ng Vivamax nung January 29, 2021. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga pelikula ni AJ na siya na mismo ang pangunahing bituin at kasama na rito ang “Death of a Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga.

Si AJ ay co-managed ni Jojo Veloso with Viva Films.

More showbiz personalities sasabak sa pulitika

BUKAS, araw ng Biyernes ang huling araw ng paghahain ng COC ng mga kandidato na tatakbo sa May 2022 elections at kasama na rito ang ilang personalidad from showbiz.

Ang ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap ay tatakbo sa pagka-konsehal ng San Juan City habang ang aktres na si Angelu de Leon ay nag-file na rin ng kanyang kandidatura sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig sa ilalim ng tiket ni Mayor Vico Sotto na muling tatakbo sa ikalawang termino.

Nag-resign naman bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Maria Rachel Arenas para tumakbo sa pagka-kongresista bilang kapalit ng kanyang inang si Rose Marie `Baby’ J. Arenas ng Pangasinan 3rd district.

Marami from showbiz ang mga first timer sa larangan ng pulitika tulad nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Jason Abalos, Ali Forbes, James Yap, Ejay Falcon at iba pa.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE