Binoe

Pagsabak ni Robin sa pulitika, nag-trending

October 6, 2021 People's Tonight 342 views

SASABAK muli sa pulitika si Robin Padilla. Senador ang tatakbuhan ni Robin sa ilalim ng ruling party na PDP Laban.

Sumapi na si Robin, pati ang kuya niyang si Rommel Padilla, sa PDP-Laban Cusi faction, ayon sa reports.

Senado ang target ni Binoe habang kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija naman si Rommel.

Duterte supporter si Robin. Ngayon naman ay suportado niya ang pagtakbo ni Senator Bong Go, kandidato ng admnistrasyon bilang Bise Presidente.

Trending sa Twitter kahapon ang hashtag na #RobinPadilla at iba’t ibang reaksyon ang inihayag ng netizens sa target na posisyon ni Robin sa eleksiyon.

KANDIDATURA NI DAVE, SUPORTADO NI ARA

BULILYASO ang plano ni Ara Mina na asikasuihin ang buhay may-asawa, pagbubuntis at mag-business matapos gawin ang lahat ng kanyang commitments.

Eh, ngayong araw kasing ito, nakatakdang mag-file ng kandidatura niya bilang kongresista sa unang distrito ng Laguna ang asawa niyang si Dave Almarinez.

Nasa puso na kasi ni Dave ang public service dahil naging board member o bokal ng Laguna kung saan lagi siyang number one sa bilangan.

“Siyempre, nandito ako para suportahan si Dave. Marami kasi ang nakakakilala kay Dave bilang honest, matapat sa paninindigan, may integridad,” pahayag ni Ara.

Buo na ang plano ni Dave na paunlarin ang unang distrito ng Laguna.

“Wala akong ipinapangako sa ngayon kasi ang hirap ng ganu’n. Ang gusto ko lang, magng gabay tayo, haligi ng mga nais sumandig upang sa pagdating ng araw, sabay-sabay tayong tatamasa ang kahit konting asenso at kaginhawaan,” saad naman ni Dave.

Good luck, Dave and Ara!. Jun Nardo

AUTHOR PROFILE