Default Thumbnail

Eleazar, mata at tainga ng taumbayan sa Senado

December 12, 2021 Vic Reyes 239 views

Vic ReyesMARAMI na naman ang naghahangad na maging senador.

Pero iba na ang mga botante sa bansa dahil mapanuri na sila.

Kaya nga sa tingin ng marami, walang ka-proble-problema si dating PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo ”Guilor” eEeazar.

Isa siya sa mga kandidato sa pagka-senador sa darating na Mayo 9, 2022 halalan.

Dahil sa kanyang magandang track record bilang opisyal ng militar at pulis ay isa siya sa inaasahang manalo sa darating na halalan.

Sa totoo lang, marami ang naiinggit sa kanya dahil malapit siya sa taumbayan, lalo na sa mga mahihirap, magsasaka at ordinaryong Filipino.

Sa kanya, pantay-pantay ang taumbayan

Walang mayaman, mahirap, mahina o malakas.

Naniniwala tayo na si Sir Guilor ang magiging mata at tainga natin sa Senado.

Good luck po, Sir guilor!

****

Huwag lang tayong pasaway, tuloy-tuloy na ang ating pagbangon.

Hindi naman kaila sa atin na nananalo tayo, sa tulong ng Panginoong Diyos, sa giyera natin laban sa COVID-l9.

Ang kailangan lang ay tuloy-tuloy ang pagbabakuna upang tuluyan na nating magapi ang salot na sakit.

Habang tayo’y bumabangon, huwag din natin pabayaang magpagsamantalahan ng mga tusong negosyante, drayber at may-ari ng mga pampublikong sasakyan ang ating mga kababayan, lalo na sa mga probinsiya.

Ang dahilan kung bakit ayaw magpunta sa mga palengke ng mga mamimili ay dahil sa kakulangan ng mga pumapasadang sasakyan.

Kaugnay nito, nakapagsasamantala ang mga drayber na sobrang taas maningil ng pamasahe.

Ito ang dapat bantayan ng mga otoridad.

Paulit-ulit natin itong sinasabi dahil patuloy tayong nakatatanggap ng reklamo.

Sa katunayan, kahit dito sa Metro Manila ay nangyayari din ito.

Masakit ito para sa mahihirap. Hirap na nga sa buhay, pinagsasamantahan pa!

****

Sa tingin natin, hindi problema ang mga paputok sa kapaskuhang ito.

Ilang araw na lang ay magsisimula na ang simbang gabi, pero wala pa ring gumagamit ng mga paputok o mga pailaw.

Marami ang nagsasabi na talagang mahirap na ang buhay.

Kaysa ibili ng paputok ay gamitin na lang ang kaunting pera na pambili ng bigas at ulam.

Marami na ang natuto na gumasta ng tama dahil sa kahirapan.

Pero kailangan pa ring maging alerto ang mga otoridad.

Baka naman sa new year’s eve ay biglang dumami ang magpapaputok.

Bantayang maige ang pag-transport ng mga paputok at pailaw.

Huwag nating payagan na maibenta ang mga ipinagbabawal at depektibong paputok at pailaw.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #09178624484/email:tingnannatin08@gmail. com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE