Dolly

Dolly, binigyan ng standing ovation

November 19, 2022 Ian F. Fariñas 260 views

HINDI lang masigabong pinalakpakan kundi binigyan pa ng standing ovation ang Triangle of Sadness Pinay cast member na si Dolly de Leon sa katatapos na Philippine premiere nito bilang opening film ng 10th QCinema International Film Festival sa Gateway nitong Huwebes.

Personal na dumalo si Dolly sa okasyon mula Amerika kung saan tumutulong siya sa pangangampanya ng kanyang producers na mapili ng Academy Awards bilang finalist sa 2023 Oscar best supporting actress category.

Dumalo rin sa nasabing premiere screening sina QC Mayor Joy Belmonte, QCinema festival director Ed Lejano, National Artist Ricky Lee, Direk Jeffrey Hidalgo at marami pang iba.

Sa kanyang pagbati sa audience, sinabi ni Dolly na, “Tonight is a very special night for me, it’s the opening here in the Philippines. So, napaka-special ng gabing ito sa akin.”

Sunud-sunod niyang pinasalamatan sina Mayor Joy (for always supporting Philippine Cinema and for being a true patron of the arts), Ed at ang mga bumubuo ng TBA Studios, na siyang distributor ng Triangle of Sadness sa bansa.

Nakaka-proud ang pagganap ni Dolly sa movie bilang Pinay OFW na nagtatrabaho sa isang luxury yacht. May matinding twist sa kwento na siguradong ikagugulat ng manonood.

Sa isang interbyu, natutuwang ibinalita ng dating bit player sa local film scene na dito siya sa Pilipinas magse-celebrate ng Pasko bago umalis para tapusin ang isa na namang international project.

Samantala, rin sa cast ng Triangle of Sadness ang international actors gaya nina Harris Dickinson, Woody Harrelson, Henrik Dorsin, Zlatko Buric, Iris Berben, Sunnyi Melles, Vicky Berlin, Oliver Ford Davies.

May ilan ding Pinoy actors na gaya ni Dolly ay gumanap bilang luxury yacht workers na pawang nagta-Tagalog sa pelikula.

Ang nasabing Ruben Östlund movie, na kinunan sa Sweden at Greece, ay pinarangalan ng Cannes Palme d’Or o best picture award.

AUTHOR PROFILE