Matteo

Matteo kay Sarah: She went against all odds for me

November 18, 2022 Vinia Vivar 307 views

Pinasalamatan ni Matteo Guidicelli ang asawang si Sarah Geronimo sa pakikipaglabang ginawa nito sa kanya.

Sa segment na HOPE ng variety show na Tropang LOL, kung saan isa sa hosts si Matteo, naka-relate ang aktor sa ex-couple na sina Lionel and Maricar na ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit tutol ang pamilya ni Lionel.

Pahayag ng aktor, “That’s the beauty of love. Sa pag-ibig, mari-realize talaga natin na hindi tayo perfect as an individual. Pero kapag darating ang tao na talagang swak sa ‘yo — parang puzzle lang ‘yang pag-ibig, eh — dapat magtulungan kayo para maging buo at maging isa kayo…”

Dagdag pa ni Matteo, “I really put so much respect on people like you; people like you also, brother, that goes against all odds. This is a true example of people, like you, that are so brave.”

At tulad ng mag-asawang Lionel at Maricar, ganito rin daw ang ginawa ni Sarah for him.

“And I’d like to also give it up to my wife, that she went against all odds for me,” he said.

Sigawan ang mga tao sa audience sa sinabi ni Matteo.

Pagkatapos nito ay pinayuhan na niya ang ex-couple at sinabing kung meant to be sila ay darating din ang panahon na magiging sila.

PILOT NG ‘IRON HEART,’ MAINIT NA SINALUBONG

Mainit na sinalubong ng manonood ang pagsisimula ng kwento ni Apollo (Richard Gutierrez) sa pilot episode ng bagong aksyon serye ng ABS-CBN na The Iron Heart nitong Lunes (Nobyembre 14).

Nakilala ng viewers ang batang Apollo na ginampanan ni Kyle Echarri, isang binatang pursigidong patunayan ang sarili sa kabila ng panghuhusga ng mga tao sa kanyang pamilya.

Isang trahedya ang bumago sa kanyang buhay nang mamatay ang kanyang ama nang hinoldap ang sinasakyan nilang bus.

Umani naman ng papuri ang pagganap ni Kyle sa unang episode. Trending nga ang official hashtag ng serye na #TIHTheOrigin, The Iron Heart, Apollo, MAJA as Cassandra, at KYLE Lakas at Puso.

Ani ni @officialKpex, “Undoubtedly the strongest point of #TIHTheOrigin, Kyle Echarri is terrific as young Apollo, as he delivers a solid performance with depth, grit, and conviction — a powerful portrayal that gives Richard Gutierrrez’s character an incredibly remarkable takeoff.”

Komento ni @randomguy4eber, “Very promising ng The Iron Heart. This will also launch Kyle as a solo artist. Ang galing ng build up ng character nya dito. Very parallel sa magiging showbiz career nya as serious actor. #TIHTheOrigin”

Usap-usapan din ang naging chemistry nina Richard at Maja Salvador sa pasilip nilang eksena sa dulo. pati na ang intense aksyon ng serye.

“It’s evidently obvious that Maja and Richard have an undeniable chemistry periodt,” saad ni @carmajalugh.

Komento naman ni @TeamKapamilyaTo tungkol sa action scenes, “Another forte of ABS-CBN talaga is making action series. #TIHTheOrigin”

“Kudos to the team ang galing ng fight scene. Action na action sya,” dagdag ni @RenielSubang.

Sa pagpapatuloy ng kwento, magsisimula na si Apollo sa pagtugis niya sa grupo na Tatsulok. Masisilayan din ang mas lumalalim na pag-iibigan nila ni Cassandra (Maja Salvador).

Huwag palampasin ang pilot week ng The Iron Heart, 8:45 p.m., sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE